Connect with us

Entertainment

“Eto na yung something big na nangyari sa akin” Smokey Manaloto, Over Flowing ang Happiness Ngayon Dahil sa Edad na 44 ay Isa na Siyang Ganap na Ama

Sa matagal na panahon ng paghihintay, aktor na si Smokey Manaloto, proud at masayang ibinahagi ang pagiging isa na niyang ganap na ama.
Nito lamang araw ng Lunes, ika-8 ng Agosto taon ng kasalukuyan sa TikTok account ng aktor na si Smokey Manaloto ay kanyang ibinahagi ang isa sa mga pinakamasayang kaganapan sa buhay niya ngayon, at ito ay ang pagdating sa buhay nila ng non-showbiz parter niya ng kanilang bundle of joy.

Photo credits: Smokey Manaloto |Ig|FB

Makikita sa ibinahaging video ni Smokey ang naging journey nila ng kanyang non-showbiz partner simula ng kanilang malaman na ipinagbubuntis nito ang magiging una nilang anak, hanggang sa ito ay isinilang na kamakailan lamang.

Ayon sa pahayag ni Smokey sa naturang video, dahil sa tagal na panahon din ng pag-aantay niya na magkaroon ng anak, ay marami na ang nagsasabi sa kanya na tila huli na siya sa biyahe, at wala na siyang pag-asa lalo na’t nasa edad 44-taong gulang na siya.

“Sabi nila, ‘Wala ka nang pag-asa!'” ani Smokey.
Dagdag pa niya, “Sabi nila, ‘Huli ka na sa biyahe!’ Akala ko huli na, hindi pa pala. Eto na yung something big na nangyari sa ‘kin!”

 Base naman sa ibinahaging video ng aktor, buwan ng Disyembre noong nakaraang taon ng malaman nila ang pagbubuntis ng kanyang nonn-showbiz partner.
Masaya ding ikinuwento ni Smokey sa video ang kaganapan noong araw na nagtungo sila sa hospital dahil nagsimula na mag-labor ang kanyang partner.

Photo credits: Smokey Manaloto |Ig|FB

Ibinahagi din ng aktor ang na ika-4 ng Agosto 2022, ng siya ay pinababa na sa delivery room kung saan naroon ang kanyang partner, at sa ganap na ika 12:35 a.m ay isinilang n anito ang kanilang napaka-gwapong baby boy na tinawag niyang si ‘Kiko’ Manaloto.

“August 4, 2022, 12:00 a.m. pinababa na ako ng delivery room and 12:35 a.m… Ladies and gentlemen, we would like you to meet our ‘Kiko’ Manaloto”, ang naging masayang pagpapakilala ni Smokey sa publiko ng kanyang anak.

Photo credits: Smokey Manaloto |Ig|FB

Bakas naman ay Smokey ang labis na kasiyahan sa pagiging ganap niya ng ama ngayon, at at makikita pa sa video kung paano niya kargahin ang bagong silang niyang anak na damang-dama ang pagmamahal niya para rito.

Photo credits: Smokey Manaloto |Ig|FB

Ibang-iba naman talaga ang ibinibigay na kaligayahan ng pagkakaroon ng anak ng isang tao, kaya naman tunay na kaligayahan ang nararamdaman ngayon ni Smokey at ng non-showbiz partner niya, dahil sa matagal na panahon ng kanilang pag-aantay, ay heto na nga’t ibinigay sa kanila ang matagal na nilang kahilingan na magkaroon ng anak na siyang mas lalong magpapatibay at magpapasaya sa kanilang pagsasama.

error: Content is protected !!