Connect with us

Entertainment

Ethel Booba, Sinurpresa ang kanyang Asawa ng Bagong Sasakyan, Pero Nalungkot ng Malaman ang Buong Katotohanan

Sa espesyal na araw ng mga ama ng ating tahanan, karamihan sa atin ay naghanda ng surpresa at regalo para sila’y pasayahin. At noong nakaraang pagdiriwang ng Father’s day noong buwan ng Hunyo, ay umapaw ang mga litrato ng mga masayang ama ng tahanan na nakatanggap ng surpresa at regalo. Marami rin ang nakatanggap ng sweet messages mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

Hindi naman nagpahuli ang komedyante at singer na si Ethel Booba na iparamdam ang kanyang pagmamahal sa kanyang non-showbiz partner at ama ng kanyang anak na si Jessie Salazar. Sa isa sa mga vlog ni Ethel, ay masaya niyang ipinasilip ang kanilang pagdiriwang ng Father’s day. Ngunit, maliban sa selebrasyong inihanda ni Ethel para sa kanyang partner, ay hindi nawawala ang kanyang kalokohan para maghatid ng good vibes sa mga manonood, ang isang prank.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Makikitang may inihandang surpresa si Ethel para sa kanyang partner sa isang hotel sa Cebu City. Sa isa sa mga bakanteng silid sa nasabing hotel ay makikita ang kanyang inihandang surpresa para kay Jessie.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Sa pagdala nga ni Ethel kay Jessie sa room sa hotel ay bumungad ang makukulay na balloons sa kama na may kasama ring chocolate cake. Nang masilayan ni Jessie ang surpresang inihanda ni Ethel ay hindi na nito naitago ang labis na kasiyahan. Ngunit, hindi pa rito natatapos ang surpresa ni Ethel, dahil pagdating sa parking lot ay isang regalong prank naman ang inihanda niya para sa kanyang partner.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Sa parking lot makikita ang isang kilang puting pickup truck na may nakalagay pang asul na ribbon. At ang buong akala nga ni Jessie ay para sa kanya ang sasakyan matapos iabot ni Ethel ang susi kasabay ng pagbati ng Happy Father’s day. Dahil dito, ay labis ang tuwa at pasasalamat ni Jessie kay Ethel sa regalo sa kanya.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Sinubukan rin ni Jessie na i-test drive ang bagong sasakyan, at makikita na talagang nagandahan at nag-enjoy ito sa pagmamaneho. Ngunit, sa kanilang pagbabalik sa hotel para muling iparada ang sasakyan, ay doon na nga nabunyag ang plano ni Ethel para iprank si Jessie.

Bigla na lang ngang dumating ang isang lalaki na nagngangalang Dave para kamustahin kung maayos bang gamitin ang sasakyan. Dahil ang sasakyan pala ay pagmamay-ari ni Dave, at binili niya para iregalo sa kanyang ama sa Father’s day. Hindi nga halos makapaniwala si Jessie na na-prank siya ni Ethel. At hindi nga naipinta at napapakamot na lang sa ulo sabay sambit ng “badtrip ka naman babe”.

Photo credits: Ethel Booba | Youtube

Ayon naman kay Ethel, ay ipinaranas niya lang kay Jessie ang idrive ito para malaman kung maganda bang bumili ng pick up o kung anong sasakyan ang magandang bilhin. Suhestiyon pa ni Ethel ay maganda kung van ang bibilhin nilang sasakyan para sa mga gamit ng kanilang anak na si Michaela.

error: Content is protected !!