Inspiring
Estudyante Na Nakatira Sa Tagpi-tagping Bahay, Labis Na Ipinagmamalaki Ang Nakasabit Na Tarpaulin Bilang Bagong Engineer

Tunay nga na kapag pag-aaral ang pinag-uusapan, lahat ng bagay ay makakaya nating gawin upang makapagtapos lamang sa pag-aaral.

Photo Credit: Crystalle Mae Malonzo Manalo Facebook
Dahil ito ang nagsisilbing susi upang maabot ang ating pangarap na hinahangad. Bagama’t, hindi madali ang daan patungo sa tagumpay, hindi pa rin tayo sumusuko upang makaahon sa kahirapan at makatulong sa pamilya.
Isang bagong inspirasyon na naman ang naibigay ng estudyanteng si Crystalle Mae Manalo sa mga netizens dahil sa kabila ng kahirapan sa buhay ay nalampasan niya ang mga pagsubok na kaakibat nito, at sa huli nga ay nagawa niyang makapagtapos ng pag-aaral, higit sa lahat ay ganap na siyang isang Engineer dahil matagumpay niyang naipasa ang board exam.

Photo Credit: Crystalle Mae Malonzo Manalo Facebook
Si Crystalle ay nakatira lamang sa kanilang tagpi-tagping tahanan, ngunit hindi siya nag-atubili na isabit sa labas ng kanilang tahanan ang tarpaulin na nagpapakita ng kanyang nakamit na tagumpay bilang isang bagong Engineer. Sa kabila ng pagtutol ng kanyang lola na isabit ang nasabing tarpaulin, hindi siya nagpatinag rito bagkus lubos niyang ipinagmamalaking isinabit sa labas ng bahay ang tarpaulin.

Photo Credit: Crystalle Mae Malonzo Manalo Facebook
Ang kwento ng tagumpay niyang ito at pag-uusap nilang maglola ay kanyang ibinahagi sa kanyang facebook account. Sa makabagbag damdaming post ni Crystalle, inihayag niya ang kanyang saloobin at labis na kasiyahan. Ayon kay Crystalle, nag-aalala umano ang kanyang lola na si Gloria Mamaradlo Manalo sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanilang tagpi-tagping tirahan kapag pinost niya umano ang larawan ng kanyang tarpaulin na nakasabit sa labas ng kanilang bahay. Ngunit, si Crystalle ay hindi ikinakahiya ang kanilang tagpi-tagping bahay bagkus ay labis pa niya itong ipinagmamalaki.
“Nanay: Okay lang kaya yan na sa barong barong natin ilagay yang tarpaulin mo? Makikita ng mga tao na tagpi-tagpi yung bahay natin?
Me: Nay ,yan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin. Salamat, Nay… sa lahat.”
Dahil nga sa nakakaantig na kwento ng kanyang buhay patungo sa tagumpay, agad na nagviral ang kanyang post at bumuhos ang papuri at paghanga sa kanya ng mga netizens.

Photo Credit: Crystalle Mae Malonzo Manalo Facebook
Samantala, ang kanyang Lola Gloria ay labis naman ang kasiyahan at labis na ipinagmamalaki ang kanyang apo. Nagpost rin ito sa facebook upang iparating ang mensahe at pagbati sa kanyang mahal na apo na ganap nang isang Engineer.
“Ganito pala ang nararamdaman mo na malaman na iyong apo isa sa mga pumasa sa board exam. Naiisip ko iyong mga nangyari sa buhay namin dalawa na tuwing byaran sa school wala kaming pambayad, puro paki-usap na lng. Eto na ngayon puro dasal na lang ang ginawa namin para makamit na niya iyong maging engineer. Salamat, Lord, hindi mo pinabayaan ang apo ko”
Ayon sa post ni Lola Gloria.

Photo Credit: Crystalle Mae Malonzo Manalo Facebook
Nakapagtapos si Crytalle ng kursong BS Mechanical Engineering sa Colegio de San Juan de Letran sa Calamba nang may parangal na “Academic Excelence Awardee”.
Ngunit, hindi pa pala dito nagtatapos ang kwento ni Crystalle, dahil sa komento ng kanyang Tito Nowie Cruz Malonzo, may ibinahagi rin ito.
“Congratulations pamangkin. Pinagmamalaki ka namin lahat. Kami ay proud na proud syo, bilib na bilib kami sa ‘yo dahil pinakita mo kung gaanu ka tiyaga at kasipag para maabot ang mga pangarap mo di lang sa ‘yo kung di sa pamilya mo na maiahon sa hirap.
Di biro ang mga pinagdaanan mo makatapos lang sa pag aaral. Yun nagtitinda ka sa school ng biscuit candy at ng sari sari para lang may maibaon sa araw araw. Pinagsasabay mo ang paghahanap buhay at pag aaral. Ganun pa man nagawa mo pa rin panatilihin mataas ang grade mo at kaya naman pinagmamalaki ka rin ng mga teacher at ng school mo.
Kaya marami din mga mag aaral na nagpapasalamat sa ‘yo dahil naging isa kang inspirasyon sa kanila upang magtyaga at mag aral din ng mabuti. At sana lalu ka pa i-Blessed ng PANGINOON upang matupad mo lahat pangarap mo., GODBLESS Crystalle Mae Manalo WE [ARE] PROUD OF YOU. WE LOVE YOU.”

Photo Credit: Crystalle Mae Malonzo Manalo Facebook
Sa pakikipag-ugnayan naman ng Buzzooks kay Crystalle, ito ang kanyang naging pahayag:
I’m overwhelmed right now, ?? Thank you for featuring me. At first, I didn’t expect it to be viral but now it’s totally reaching more people…
Yun po nasa picture, tinitirahan namin ng lola ko at hindi ko kinakahiya yun.. Marami po ako kaklase na nagpapasalamat sa akin at doon sa puting lamesa na nasa picture.. marami na po kasi ako naturuan doon.. gawain ko po kasi turuan yung mga kaklase ko na medyo nahihirapan sa klase.. doon rin po namin nagawa thesis namin.
Naging scholar po ako nung first year to 3rd year.. kaso po discount lang yun sa pagiging dean’s lister ko po.
Yung mga natitirang payments nairaos po dahil sa utang… yung nga extra po nun na bayarin like xerox or needed na school mats hindi ko na po pinapashoulder sa kanila.
Nagtitinda po ako sa school.. mejo nasanay na po ako nun bata pa lang ako kasi broken family po kami.. naging single mom po si mama at hindi nya na ako kaya pa pag-aralin.. kaya po inako na po ng lola ko ang responsibilidad.
