Connect with us

Entertainment

Estudyante Na May Napakagandang Penmanship, Nagkamit Ng Parangal Na Best Handwriting In The World Award

Ang pagkakaroon ng maganda at malinis na sulat-kamay ay napakahalaga lalong-lalo na sa tuwing naglilista o nagsusulat ng mga importanteng detalye na kinakailangan. Kagaya na lamang sa pamimili, kadalasan tayong naglilista upang huwag makaligtaan ang mga kinakailangang bilhin. Ngunit, kung ang pagkakasulat ng detalye ay hindi maayos, hindi maintindihan ang tamang nakasulat kung kaya’t maaari tayong magkamali. Kaya naman mahalaga na may maganda at malinis na sulat-kamay upang higit na maintindihan ang detalye at maiwasan ang pagkakamali.




Bagama’t hindi naman talaga kinakailangan ang perpekto at napakaganda na sulat-kamay dahil ang mahalaga ay naiintindihan ang bawat letra ng pagkakasulat. Ngunit, ang pagkakaroon ng isang perpekto at napakagandang sulat-kamay ay maituturing na talento at biyaya na maaaring magdala sa kasikatan.

Kagaya na lamang sa isang babaeng estudyante na mula sa Nepal na nag-viral dahil sa kaniyang kahanga-hangang sulat-kamay kung saan ay pinarangalan pa siya bilang “Best Handwriting in the World” na kaniyang tinanggap sa India.

Nakilala ang estudyante na si Prakriti Malla na isang year 8 stundent sa Sainik Awasiya Mahavidyalaya sa Nepal. Napabilib niya ang lahat dahil sa kaniyang kakaibang talento kung saan napakalinis at napakaganda ng kaniyang sulat-kamay na tila kopya ng isang print out na nagmula sa computer.




Ang kahanga-hangang sulat-kamay niya na ito ay nadiskubre sa India nang sumali siya sa isang kompetisyon. Ang ginawa niyang handwritten argument ay hindi lamang maganda kundi puro rin ito ng kabuluhan.

Gamit ang ilang source, ipinaliwanag rin ni Prakriti ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang sulat-kamay at kung paano ang di kaaya-ayang sulat-kamay nakakaapekto sa academic performance ng mga estudyante.

“Handwriting is an essential skill both for children and adults. Even in this modern age of technology, it remains the primary tool of communication and assessing knowledge for students in the classroom. The demands for it are great, whether in the classroom or beyond,”




Ipinaliwanag rin niya kung gaano kahalaga ang sulat-kamay sa mga preschool kung saan ay halos 85% sa kanilang ginagawa ay gumagamit ng lapis at papel upang makapagsulat. Ngunit, sa pagdaan ng panahon ay unti-unti itong nababawasan ng tinatayang 42%. Ngunit, kaniya namang binigyang-diin na napakahalaga sa mga bata, lalong-lalo na sa nagsisimula pa lamang matutong magsulat ang maging bihasa sa sining ng pagsusulat gamit ang lapis at papel.

“Like it or not, even in our machine-driven world, people still judge you by your handwriting,”saad niya.

error: Content is protected !!