Connect with us

Entertainment

Erwan Heusaff, Ibinahagi kung Gaano Kahirap ang kanyang Nararanasan sa Pagshoot ng Kanyang Video Vlog Pag Gising si Baby Dahlia

Ang asawa ni Anne Curtis at kapatid naman ni Solenn Heusaff na si Erwan Heusaff ay isang Filipino-French content creator na madalas itampok sa kanyang mga vlog ang may kaugnayan sa pagkain, travel at fitness. Sa kanyang Youtube Channel mapapanood ang kanyang mga vlogs na talaga namang hahangaan ang galing at husay niya sa pagluluto. Malaking tulong rin sa mga manonood ang pagbibigay niya ng kaalaman tungkol sa travel at fitness.




Noong wala pang pandemya, ay madalas siyang mag-vlog sa labas ng kanilang tahanan upang mas lalo niyang ma-explore ang mga bagay-bagay. Ngunit, dahil sa pandemya, ay nanatili na lamang ang content creator sa loob ng kanilang tahanan.

Photo credits: Erwan Heusaff | Instagram

Maliban naman sa pagiging isang content creator, ay isa ring full-time daddy si Erwan sa kanilang panganay na anak ni Anne. Isang napakacute na baby girl ang ipinagkaloob sa pagsasama nila ni Anne na pinangalanan nilang Dahlia Amelie.

Si Baby Dahlia, ay isinilang ni Anne noong ika-2 ng Marso, taong kasalukuyan. At sa pagdating ni Baby Dahlia sa kanilang buhay, ay iba ang kaligayahang hatid nito sa kanilang pamilya. Makikita rin na madalas magbahagi si Anne, maging si Erwan ng mga larawan at videos ni Baby Dahlia sa social media kung saan ay kinagigiliwan ng mga netizens.

Photo credits: Erwan Heusaff | Instagram

At kamakailan nga, ay muling naaliw ang mga netizens kay Baby Dahlia, sa ginawa nito sa kanyang Daddy Erwan. Sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Erwan ang kanyang hirap sa paggawa ng magandang video para sa kanyang channel dahil sa ingay na ginagawa ni Baby Dahlia.




Sa video na ibinahagi ni Erwan na naglalaman ng 30 seconds, mapapanood na gumagawa ng vlog ang content creator para sa kanyang channel. Ngunit, dahil sa ingay na likha ng anak na si Dahlia, ay mapapansin na ilang ulit siyang tumigil, upang ulitin ang kanyang vlog.

Photo credits: Erwan Heusaff | Instagram

Dahil sa ilang ulit na paglikha ng ingay ni Baby Dahlia na maririnig sa background, habang nagsho-shoot si Erwan, ay bigla na lamang itong napasambit ng:

“Dahlia, you’re killng me here.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

Ngunit, hanggang sa dulo ng video, ay hindi pa rin tumigil si Baby Dahlia sa paglikha ng nakakatuwang ingay. Kaya naman, tila naubos na ang pasensya ni Erwan, at makikita na nag-walk out na ito sa harap ng camera, at sinabi na tila sinasadya na ng kanyang anak ang ginagawa nito.

“She does it on purpose”.

Ang nasabing video ay kinagiliwan naman ng mga netizens at nagbigay ang mga ito ng kanilang samu’t saring reaksyon.

“Dahlia Daldalita!”
“Gotta love Erwan’s patience.”
“Hahahaha Dahlia is like her mom.”
“It’s the “she does it on purpose” for me.”
“Dahlia really loves to sing like her mom!”

error: Content is protected !!