Connect with us

Entertainment

Erich Gonzales, Isinama ang kanyang mga Tagahanga sa Kanyang Pamamasyal sa Las Casas Filipinas De Acuzar sa Bataan

Isang masayang getaway ang ipinasilip ng aktres na si Erich Gonzales sa kanyang latest vlog nito lamang ika-28 ng Marso na mapapanood sa kanyang Youtube Channel.

Kung ang ilang celebrity sa showbiz ay hanap ang mga malalamig na lugar, at mga beach para sa kanilang bakasyon, ang aktres na si Erich naman, ay may kaugnayan sa kasaysayan ang pinuntahan para sa kanyang getaway.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Isang napakagandang view ang hanap ni Erich, kung saan matatagpuan ang mga heritage houses na talaga namang hahangaan ang istraktura. At ito nga ay matatagpuan sa Bagac, sa probinsya ng Bataan, ang Las Casas Filipinas De Acuzar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg)

Pagdating nga ni Erich sa lugar kasama ang kaibigang si Krystal, ay kumain muna sila matapos ang mahabang biyahe. Nang mabusog na ay agad niyang ipinasyal ang kanyang mga tagahanga.

Sa Las Casas Filipinas de Acuzar masisilayan ang napakagandang lugar na hatid ng mga makalumang gusali, kung saan ay may malaking ambag sa kasaysayan ng bansa. At ngayon nga ay isa na itong private resort kung saan ang adbokasiya ng may-ari nito, ay ang panatilihin ang heritage sa pamamagitan ng buo ng mga gusali sa isang lugar.

Photo credits: Erich Gonzales | IG

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Photo credits: Erich Gonzales | IG

Kasama ang kanilang tour guide ay inilibot sila nito sa lugar. Nakakatuwang makita na ang ilan sa mga gusaling ito, ay maayos na nakatayo at talagang napakagandang pagmasdan kahit pa noong 18th century pa ito naipatayo.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Ayon naman sa kasama nilang tour guide, ay nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang ilan sa makikitang gusali dito. Ito nga ay inilipat para mapreserved sa pamamagitan ng paggiba sa gusali, at muling itinayo sa Bataan. Ilan nga sa mga ito ay mula pa sa Gapan, Nueva Ecija, Origon Sorsogon, at New Manila. Ang pinakamalayo namang pinagmulan ng isa sa mga inilipat na gusali ay mula pa sa Maranao Mindanao na kung saan ay isang bahay ng Datu.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Ipinakita rin ang replika ng isang malaking simbahan sa Balanga, Bataan, ang St. Joseph Cathedral. Makikita rin ang natural na ilog na ngayon nga ay naka-declare na bilang fish sanctuary.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Upang mas masilip ang iba pang bahagi ng resort, ay sumakay ng balsa sina Erich na talaga namang naenjoy ng aktres. Dito naman ay binaybay nila ang Estero De Binondo na hango sa inspirasyon ng estero ng Binondo, Manila noong unang panahon. Nag-enjoy rin sina Erich sa kanilang pamamasyal nang makasakay sa kalesa.

Makikita naman kung gaano kasaya si Erich na masilayan ang mga kahanga-hangang heritage building. Marami ang natuwa sa mga viewers ng aktres, dahil ipinasilip nito ang isang lugar na talagang dapat na mahalin at pahalagahan ng mga Pilipino.

Photo credits: Erich Gonzales | IG

Sa huli ay hinikayat ni Erich ang kanyang mga viewers na bumisita rin sa napakagandang lugar na ipinagmamalaki ng Bataan.

error: Content is protected !!