Connect with us

Entertainment

Erich Gonzales, Ibinahagi ang Kanyang Unang Harvest ng mga Pananim sa Bakuran ng Kanyang Tahanan

Ngayong panahon ng pandemya ay napakahalaga na magkaroon ng mapagkukunan lalo na’t apektado ang kabuhayan ng marami. At isa nga sa talagang naging libangan ng marami, habang naka-quarantine sa loob ng tahanan ay ang pagtatanim ng mga gulay at iba pang uri ng fruit bearing plants sa kanilang mga bakuran.

Isang taon na rin ang lumipas magmula ng ipatupad ang quarantine sa ating bansa. Kaya naman, kung nagtanim ka noong nakaraang taon, ay tiyak na aanahin mo na ang bunga nito ngayon.

Para nga sa napakagandang aktres na si Erich Gonzales, ang kasabihang “kapag may itinanim, may aanihin”, ay napakalaking bagay na makakatulong sa pang-araw-araw na buhay upang may makain ang pamilya.

Sa vlog na ibinahagi ni Erich noong Enero 2021, ay masaya niyang ibinahagi ang kanyang mga naharvest na bunga sa pagsalubong ng taon. Na nasabing vlog ay mapapanood ang pagputol ni Erich ng mga sanga ng kalamansi at malunggay.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Dahil nga mataas ang puno ng kalamansi kung saan ay hindi na maabot ang mga bunga nito, ay nagpasya ang aktres na putulin ang puno nito gamit ang lagare.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Matapos nga maputol ang puno ng kalamansi, ay natuwa si Erich ng makitang hitik na hitik ito sa bunga. May dalang lagayan si Erich na sisidlan ng mga bunga ng kalamansi matapos itong gupitin mula sa mga sanga. Natuwa rin si Erich dahil sa dami nito, ay marami siyang putaheng maaaring paggamitan.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Samantala, isinunod naman ni Erich ang pagputol sa puno ng malunggay gamit naman ang itak. At tulad ng kalamansi ay napakataas narin nito kaya naman kailangan ng putulin. Saad naman ng aktres, ay ayos lang itong putulin dahil muli naman itong tutubo, at magiging mayabong pa ang bagong mga dahon nito.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Nasa mood rin si Erich para kumain ng saging, kaya naman ang puno ng saging ay pinutol na rin ng aktres upang makuha ang bunga nito, na ang ilan nga ay hinog na at kinain na ng hayop.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Pagbabahagi naman ng aktres, noong kabataan niya ay mahilig siyang umakyat sa mga puno, tulad ng bayabas. Masaya naman si Erich, dahil sa mapagpalang mga kamay na nagtanim ng kalamansi, malunggay at saging sa kanilang bakuran ay nakapag-harvest siya.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Malaking tulong naman talaga ito upang may makain ang kanyang pamilya. Saad naman ng aktres, ay ipapamigay niya ang iba dito sa kanyang mga kapitbahay.

Bukod nga sa masustansiya, ay nakakatiyak na ligtas rin sa anumang kemikal ang naharvest ni Erich dahil organic ang mga ito. Malaking bagay rin ito dahil bukod sa nakatipid siya sa pagbili, ay nakatulong rin siya sa iba.

error: Content is protected !!