Connect with us

Entertainment

Enzo Pineda, Labis ang Kaligayahan Matapos Matupad ang Pangarap na Maging Isang Ganap na Philippine Marine Reservist

Ang isa sa pinakainaasam na pangarap ng aktor na si Enzo Pineda na maging isang ganap na Philippine Marine reservist ay nabigyang katuparan na. Nito lamang ika-17 ng Setyembre, araw ng Huwebes sa isang Instagram post, ay makikita ang nadaramang kaligayahan ni Enzo matapos niyang ihatid ang magandang balita sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta.

Credits: Michelle Vito | IG

Kilala na si Enzo sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na aktor. Ngunit, maliban rito, ay pangarap rin ng aktor ang maglingkod sa ating bayan at mapabilang sa military. Kaya naman, gaano man kahirap ang mga pagsubok na hinarap ng aktor, ay hindi niya ito alintana sa halip nga ay buong tapang na ipinakita ang kanyang pagpupursige para matupad ang kanyang pangarap na maging marine reservist.

Lahat naman ng hirap at pagod ni Enzo, para lamang mapabilang sa military at mabigyang pagkakataon para maglingkod sa sambayanan ay nagbunga na. Ngayon nga, ay matagumpay niyang nakompleto ang kanyang basic citizen military course bilang Marine reservist sa ilalim ng Philippine Navy at nakakuha ng rank bilang staff sergeant.

Credits: Enzo Pineda | IG

Sa caption ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang mga larawang kuha sa kanyang pagtatapos at kasama rin ang girlfriend na si Michelle Vito, ay makikita ang labis niyang kaligayahan at pasasalamat. Unang pinasalamatan ni Enzo ang Diyos na nagbigay sa kanya at kanyang batchmates ng lakas at katatagan para matapos ang kanilang kurso. Hindi rin nakalimutan ni Enzo na pasalamatan ang kanyang pamilya na nagpakita ng suporta at nagsilbing inspirasyon para matupad ang kanyang pangarap.

Credits: Michelle Vito | IG

“By far this is one of the toughest challenges I’ve ever done in my life. I thank God for giving me and my batchmates the strength and resilience to finish the course. I also thank my family for their support and for always inspiring me to become better.”

Hindi rin maitago ni Enzo ang kanyang excitement sa naghihintay sa kanyang adventure sa landas na kanyang tatahakin. Tila naman handang-handa na ngang maglingkod si Enzo sa bayan bilang si Staff Sergeant Pineda.

“I’m excited for the new adventures that this path awaits me. SSgt Pineda reporting for duty.”

Samantala, nakasuporta rin sa pangarap ng aktor ang girlfriend nitong si Michelle kung saan nga, ay siya ring kasama ni Enzo ng matamo ang kanyang tagumpay at saksi rin sa pagtatapos sa kurso ng aktor.

Credits: Enzo Pineda | IG

“Congratulations to our Enzo. we are so proud.”

Si Enzo ay unang nakilala sa industriya ng showbiz matapos maging finalist sa ika-limang season ng reality talent show ng GMA Network na StarStruck noong 2009.

error: Content is protected !!