Connect with us

Entertainment

Enrique Gil, Ipinasilip Ang Masayang Beach Getaway Adventure Sa Anilao, Batangas Kasama Ang Kanyang Nobyang si Liza Soberano

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktor, ay pinasok na rin nga ni Enrique Gil ang mundo ng vlogging. At sa kanyang mga nakakaaliw na vlog ay ipinapasilip niya ang mga masasayang kaganapan sa buhay niya pati na rin ang mga masasayang adventure sa magagandang lugar kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya.

Ilang ulit na nga nating nasaksihan sa mga vlog ni Enrique ang kanyang masasayang adventure habang nagbabakasyon sa magagandang lugar. At mapapansin nga na talagang mahilig si Enrique sa beach, at ang kanilang beach house sa Batangas ang madalas nilang bisitahin.

Photo credits: Enrique Gil | Youtube

Photo credits: Enrique Gil | Youtube

Photo credits: Enrique Gil | Youtube

At kamakailan lamang nga, ay isang masayang adventure na naman ang hatid ni Enrique sa kanyang latest vlog. Tulad nga ng dati ay sa kanilang beach house sa Anilao, Batangas sila nagtungo upang doon magkaroon ng isang masayang beach getaway. Nakasama naman ni Enrique ang kanyang kapatid na si Andie Gil at nobya niyang si Liza Soberano.

Photo credits: Enrique Gil | Youtube

Photo credits: Enrique Gil | Youtube

Magmula sa biyahe at pagsakay sa bangka patungo sa kanilang beach house ay ipinakita ni Enrique. Matapos naman ng maikling pasilip sa loob ng kanilang beach house, ay kumain na muna sina Enrique bago naghanda sa kanilang masayang adventure. Matapos nito, ay agad na silang nagtungo sa karagatan upang mag-enjoy.

Photo credits: Enrique Gil | Youtube

Ilan nga sa kanilang ginawa ay snorkeling, kayaking at scuba diving. At tulad ng inaasahan ay nag-enjoy sila sa ganda ng tanawing masisilayan sa ilalim ng karagatan na hatid ng makukulay na isda at magagandang corals. Hindi naman maitago ni Enrique ang tuwa nang masilayan niya ang isang sea turtle, dahil bihirang pagkakataon lamang ito kung magpakita. Tila nga, nasa isang paraiso sila sa ganda ng tanawing kanilang makikita.

Matapos naman nilang mapagod ay kumain na muna sila para magkaroon ng lakas para sa susunod nilang destinasyon, na tinawag na Sumbrero island. At dito nga sila nag-scuba diving kung saan ay mas nasilayan nila ang mas marami at magagandang marine life na siyang nagbibigay kulay sa karagatan.

Hindi lamang nga mga mata nila ang nabusog sa ganda ng tanawin na kanilang nasilayan, dahil maging ang kanilang tiyan ay busog na busog rin sa masasarap na pagkain na kanilang pinagsaluhan matapos ang kanilang masayang adventure.

Samantala, naibahagi rin ni Enrique sa nasabing vlog na maliban sa kanilang beach house sa Batangas, ay nakabili rin sila ng isang property na kalapit nito. At ayon sa aktor, ay plano nila itong gawing private resort. Dahil nga, sadyang napakaganda ng tanawing masisilayan sa lugar ay tiyak naman na dadagsain ito ng mga bakasyunista.

error: Content is protected !!