Connect with us

Entertainment

‘Enjoy na Enjoy ang Magjowa’ Maikli pero Napakasayang Singapore Getaway ng Magkasintahang sina Vice Ganda at Ion Perez

Marami saatin ang namiss ang pamamasyal sa ibang bansa dahil narin sa mga restriction dahil sa pandemya, ngunit dahil ngayon na maraming bansa na ang naglilift ng mga mahihigpit na requirements para sa mga bakasyonista madami ang grinagrab agad ang opportunity para makapag travel ulit.

Isa sa mga sikat na couple na kailan lang ay nagbakasyon sa ibang bansa ay ang magkasintahan na sina Vice Ganda at Ion Perez kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na mabisita ang Singapore ng panandalian.

Sa latest vlog na ipinost ni Vice Ganda sa kanyang youtube channel, ibinahagi niya ang kanilang masayang quick singapore getaway ng kanyang jowa na si Ion Perez.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Sa unang bahagi ng vlog makikita ang naging komportable at bonggang business class seating ng magkasintahan sa Singapore Airlines na kanilang sinakyan.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Ibinahagi naman ni Ion ng pababa na sila ng eroplano na ito ang first time niya na makarating sa Singapore.

Talagang hindi nagpakabog si Meme Vice dahil mas naging bongga ang sumundo sakanila sa Airport, isang Rolce Royce na sasakyan na maghahatid sakanila sa kanilang accommodation.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Pagbabahagi ni Vice na ito ang kaunaunahan nilang singapore trip as couple, pero first time ni Ion sa singapore samantalang siya ay ilang beses ng nakapunta dito.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Pagbaba nila ng sasakyan, maling hotel pala ang kanilang napuntahan kaya naman naglakad pa sila upang hanapin ang kanilang hotel accommodation.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Pabiro namang sinabi ni Ion na may naipamanang ari-arian dito ang kanyang mga magulang na hindi umano nakilala ni Vice at ito ay ang kanilang napuntahan na Ion Orchard shopping mall.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Nag enjoy ang dalawa sakanilang naging foodtrip sa ibat-ibang kainan at pag-shoshopping sa Ion Orchard mall. Isa sa kanilang pinuntahan na sikat na bilihan ng mga bags ay ang Luis Vuitton kung saan dito ay nagshopping sila, namasyal naman ang magkasintahan sa ilang mga tourist attraction sa singapore at talagang sinulit ang kanilang panandaliang bakasyon.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Photo credits: Vice Ganda | Youtube Channel

Kinaumagahan ay bumalik din agad sa airport ang magkasintahan para umuwi na sa Pilipinas, at kung Singapore Airlines na eroplano na naka businessclass ang kanilang sinakyan papuntang singapore ay ganon din ang kanilang sinakyan pauwi.

Narito at panoorin ang quick singapore getaway video na ipinost ni Meme vice ganda sa kanyang youtube channel.

 

 

error: Content is protected !!