Connect with us

Uncategorized

Engaged Celebrity Couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay Masayang Nagbakasyon sa Isla ng Siargao Kasama ang Kanilang Pamilya

Isang masayang bonding moments sa kanilang bakasyon ang ipinasilip kamakailan sa kanilang mga tagahanga ng engaged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay kasama ang kanilang pamilya. Tila nga, hindi pa tapos ang summer para kina Ellen at Derek, kung saan nga ay makikita enjoy na enjoy sa kanilang bakasyon sa napakagandang isla ng Siargao.

Credits: Ellen Adarna | IG

Puno ng saya at kulitan ang naging bakasyon nina Ellen at Derek sa Siargao kasama ang kanilang pamilya, at anak ni Ellen sa kanyang dating karelasyon na si John Lloyd Cruz, si Elias.

Napuno ang social media accounts ng celebrity couple na sina Ellen at Derek ng mga litrato na kuha sa masaya nilang bonding moments sa kanilang bakasyon. Agaw pansin sa mga larawan, ang closeness ng anak ni Ellen na si Elias at fiancee nitong si Derek.

Credits: Ellen Adarna | IG

Sa Instagram, ay ibinahagi nina Ellen at Derek ang mga kuha ng litratong nagpapakita kung paano nilang naenjoy ang magandang panahon sa ilalim ng araw habang nasa beach. Makikita nga ang paglalaro nina Derek at Elias, na animo’y mag-ama kung pagmamasdan.

Enjoy na enjoy rin silang naligo sa napakalinaw at gandang dagat. May litrato ring makikitang sumakay ng yate sina Ellen at Derek kasama si Elias at kanilang pamilya. Hindi naman maipagkakait na ang magandang kuha ng mga larawan nilang tatlo, ay nagpapakita ng isang masayang pamilya. Sa masisilayang matamis na ngiti sa kanilang mga mukha, ay nagpapatunay lamang na masayang-masaya sina Ellen at Derek sa estado ng kanilang relasyon ngayon.

Credits: Ellen Adarna | IG

Makikita rin ang nag-uumapaw na kasweetan nila Ellen at Derek sa isa’t sa sa mga kuha ng larawan. Katulad na lamang nga sa mga litratong kuha habang nakaupo si Ellen sa buhangin kasama si Derek, kung saan ay nakaakbay sa aktres ang aktor.

Credits: Ellen Adarna | IG

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagbakasyon sina Ellen at Derek sa gitna ng pandemya, dahil bago pa man pumutok ang kanilang relasyon sa publiko, ay madalas nang makitang magkasamang magbakasyon ang dalawa sa mga magagandang lugar. At madalas ring ibahagi ng magfiancee ang pagkahilig nila sa mga beach.

Credits: Ellen Adarna | IG

Matatandaan na pagbungad ng taong 2021, ay kumalat na ang espekulasyong nagkakamabutihan diumano sina Ellen at Derek matapos magkasama sa isang party na naganap sa bahay ng aktor. At matapos nga ang samu’t saring espekulasyon, ay kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyong noong buwan ng Pebrero. Isang buwan lamang ang lumipas, noong ika-30 ng Marso ay inanunsiyo naman nila ang kanilang engagement.

Sa dami ng dumaang babae sa buhay at nakarelasyon ni Derek, ay inamin niya sa isang panayam na si Ellen na umano ang kanyang “the one”, ang babaeng kanyang pakakasalan at nais makasama sa buhay.

error: Content is protected !!