Connect with us

Inspiring

Empoy Marquez, Ipinasilip ang Kaniyang Bahay sa Bulacan.

Nakilala ang komedyanteng si Empoy Marquez dahil sa kaniyang mga supporting roles sa iba’t ibang mga pelikula gaya ng Since I Found You, Mr. Suave, at Supahpapalicious. Nakapag-host din siya ng iba’t ibang shows at naging guest sa iba’t ibang palabas. Ngunit mas minahal siya ng mga tao dahil sa kaniyang pagganap sa sikat na sikat na pelikulang, Kita Kita. Dahil sa kaniyang mga proyekto sa nagdaang mga taon, nakapag-ipon si Empoy at ngayon nga ay nakapagpundar na ng dalawang properties.

Photo Credits to the owner

Isa rito ay ang kaniyang condominium unit sa Quezon City na kadalasan niyang ginagamit tuwing siya ay nagtatrabaho. Mayroon din siyang two-storey na bahay sa Bulacan na kaniyang nabili noon pang 2009.

Inilarawan naman ni Empoy ang ideal house niya, “Simple lang na up and down. Basta gusto ko, ‘yong pamilya ko kasama ko.

Tapos, kunwari may laruan sa loob, basketbolan sa loob, gano’n. Tapos may pool. Gusto ko, may bukid, tapos overlooking. Makikita ‘yong bukid mula sa bahay.”

Photo Credits to the owner

Napapalibutan ng mga halaman ang labas ng bahay ni Empoy. Sa living area naman makikita ang mga entertainment appliances ng artista gayon din ang ilang couch para sa kaniyang pamilya at mga bisita.

Photo Credits to the owner

Kapansin-pansin naman ang salamin na makikita sa may kusina. Bukod sa kusina sa loob ng kanilang tahanan, mayroon ding dirty kitchen ang pamilya sa labas ng kanilang garahe. Mayroon namang six-seater na kainan ang dining area ng bahay. Naglaan din ng espasyo si Empoy para sa kaniyang maliit na altar. Dito nakalagay ang imahe ng mga santo.

Photo Credits to the owner

Pagdating naman sa kwarto, kumpleto ito ng iba’t ibang kagamitan gaya ng sofa bed, flat screen TV, at air-conditioning unit. Mayroon ding sariling bathroom si Empoy. Mula sa kwarto, maaaring makapunta sa balcony na ayon kay Empoy ay ang kaniyang paboritong parte ng bahay.

Photo Credits to the owner

Dito nakikita ni Empoy ang napakagandang view na nakapalibot sa kaniyang bahay. Dito rin siya nakakapagrelax lalo na at mayroon din itong maliit na fishpond para sa kaniyang mga alagang parrot fish at gold fish.

Photo Credits to the owner

Totoong espesyal ang bahay na ito. Hindi lamang ito repleksiyon ng personalidad ng aktor ngunit ito rin ang isa sa mga bunga ng kaniyang pagsisikap.

error: Content is protected !!