Connect with us

Entertainment

Ellen Adarna, Ibinahagi ang Kanyang Throwback Photo Noong Ipinagbubuntis pa Niya ang Anak nila ni John Lloyd na si Elias

Ang aktres si Ellen Adarna ay hindi maikakaila ang taglay na kagandahan at magandang hubog ng katawan. Kaya naman, marami ang nagtatanong kung ano ang hitsura niya noong ipinagbubuntis niya ang kanilang anak ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Credit: Ellen Adarna | Instagram

Kaya naman, ipaunlakan ni Ellen ang kanyang mga tagahanga na masilayan ang kanyang hitsura noong buntis pa lamang siya. Nito lamang Martes sa Instagram stories, ay ibinahagi ni Ellen ang kanyang larawan kung saan masisilayan ang kanyang baby bump bilang sagot sa tanong ng kanyang mga tagahanga sa Q&A session.

Nilakipan niya ito ng caption na,“Whale whale whale. What do we have here.”

\

Credit: Facebook | Image

Makikita naman na kahit buntis at malaki na ang kanyang tyan ay masisilayan parin ang magandang mukha ni Ellen.

Matatandaan na isinilang ni Ellen ang kanyang panganay na anak na si Elias noong June 27, 2021. At kamakailan lamang nga nang magdiwang ng kanyang 3rd birthday kung saan ay nagkaroon ng hiwalay na selebrasyon sina Ellen at John Lloyd.

Matatandaan na noong taong 2017 nang maging magkarelasyon sina Ellen at John Lloyd. Ito ang mga sandaling nagpasyang magpahinga sa showbiz si John Lloyd para makasama si Ellen. Ngunit, ang kanilang masaya at matamis na pagmamahalan ay nagwagas noong 2019.

At ngayon, ay may co-parenting setup sila Ellen at John Lloyd para mapalaki ng maayos ang kanilang anak sa kabila ng kanilang paghihiwalay. Hindi naman nagkukulang si John Lloyd na gampanan ang tungkulin niya kay Elias bilang isang ama.

Credit: Facebook | Image

Sa isang panayam kay John Lloyd sa Mega ni G3 San Diego, ay sinabi ng aktor na talagang gusto nilang maging magulang ni Ellen. Hindi man madali ang pagiging magulang, ay sinisikap naman ng aktor na gampanan ng mabuti ang kanyang tungkulin bilang ama ni Elias.

“Hindi siya ganun kadali. Parang pang pelikula lang pala ‘yung nalaman mo parang, ‘Magiging tatay na ako!’ Para sa akin hindi… to each its own. Baka naman sa iba, totoo ‘yun and you can never tell kung ‘yun ay totoo o hindi. Okay yan, ‘yung nangyari sa ‘yo. Pero para sa akin… We wanted it eh. Alam naman na namin na it was going to happen.”

Samantala, para naman kay Ellen ay talaga namang isang mabuti at mapagmahal na ama si John Lloyd sa kanilang anak. Hindi man nga naging maganda ang wakas ng pag-iibigan nila ni John Lloyd, ay buong puso naman ang pagiging isang ina ng aktres kay Elias.

Credit: Ellen Adarna | Instagram

Sa ngayon, ay nasa poder ni Ellen si Elias at hinihiram lamang ni John Lloyd kapag may bakante itong oras para makasama at makabonding. Matapos ang kabiguan sa pag-ibig kay John Lloyd, ay masaya na ngayon si Ellen sa kanyang fiancee na si Derek Ramsay. Ang bagong pag-ibig nga ni Ellen sa piling ni Derek, ay madalas niyang ibahagi sa social media.

error: Content is protected !!