Connect with us

Entertainment

Ellen Adarna, Hindi Nagtanong ng Presyo at Pina Room Charge ang Shades na Binili para Kay Elias, Namutla sa Presyo nito ng mag Check-Out sa Amanpulo

Hindi maikakailang isang hands-on Mommy si Ellen Adarna sa kanyang anak na si Elias Modesto, madalas makikita sa social media account ni Ellen ang madalas bonding moments nilang mag-ina.

Maliban sa kanilang bonding sa loob ng kanilang bahay, madalas din makitang nagbobonding ang mag-ina kasama si ang asawa ni Ellen na si Derek Ramsay sa ibat-ibang lugar at madalas nga ay sa ibat-ibang beach resorts.

Lahat ng makakabuti sakanyang anak ay gagawin ni Ellen at talagang makikita kung gaano niya kagustong mabigyan ng komportableng buhay si Elias, gusto niya ibigay ang lahat dito at bilhan ito ng mga bagay na kailangan nito.

Ngunit may isang bagay na pinagsisisihan si Ellen na binili niya kay Elias ayon nga sakanya ito ang kanyang “worst purchase”, at ito nga ay ibinahagi niya sa isang Tiktok video kung saan nagviral naman agad.

Sa kagustuhan ni Ellen na maproteksyonan ang mga mata ni Elias sa matinding sikat ng araw ay binilhan niya ito ng shades noong nasa amanpulo sila, ngunit ang mali umano ni Ellen ay hindi niya tinanong ang presyo ng shades at pina room charge niya lang ito.

Ngunit nagulat nalang siya ng mag checkout na sila at nakita niya na ang bill na kanilang babayaran. Nagulantang siya dahil ang presyo pala ng shades na kanyang binili kay Elias ay nagkakahalaga ng Php25,000.

Ang buong akala daw kasi ng aktres ay mumurahin lang ang shades na ito dahil wala namang espesyal dito at kakaiba. Ngunit dahil nagamit na ito ng kanyang anak ay wala na siyang nagawa at binayaran niya nalang ito.

Sa huling bahagi ng video na ibinahagi ni Ellen ay ipinakita niya ang shades na suot ng kanyang anak na si Elias, kung saan bagay na bagay naman ito sa bata na mas lalo pang pomogi noong suot na ang shades. Kahit napakamahal ng shades na ito ay nakatulong naman kay Elias dahil naproteksyonan nito ang mga mata sa napakatinding sinag ng araw, at magagamit naman ito ng bata sa kanilang mga susunod pang bakasyon.

 

 

 

error: Content is protected !!