Connect with us

Entertainment

Ellen Adarna at Derek Ramsay, Ibinahagi Ang Pagbubukas Ng Kanilang Multi-million Ice Plant Business

Hindi na nga lingid sa kaalaman ng marami na ang mag-asawang sina Ellen Adarna at Derek Ramsay bago pa man ikasal ay may kanya-kanya nang negosyong pinapalago at masasabi nga na pareho silang matagumpay na negosyante. Si Derek ay kilalang nagmamay-ari ng mga negosyo tulad ng boutique gym, food park, at isang electronic systems company.

Samantalang si Ellen naman ay kilala naman na nagmula sa pinakamayang angkan, kung saan ay nagmamay-ari ng real estate group. At isa sa pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay ang Temple of Leah sa Cebu.

Kaya naman, ngayong mag-asawa na sila, ay nakatuon parin ang kanilang pansin sa pagnenegosyo. At kamakailan lamang, ay ibinahagi ng mag-asawang Ellen at Derek sa publiko ang pagbubukas ng kanilang multi-million ice plant business.

Nito lamang ika-21 ng Disyembre nang ibahagi ni Ellen sa kanyang Instagram ang ilang kuha ng larawan sa naganap na opening ng kanilang kauna-unahang business bilang mag-asawa. At ito ang kanilang ice plant na pinangalanang Mr. Freeze na ang branch ay matatagpuan sa Bulacan.

Caption naman ni Ellen sa kanyang post,“With the one and only ICE ICE BABY, COOL, COOLOKOY.”

Sa kanyang Instagram stories, ay ibinahagi rin ni Derek ang mga larawan nila ni Ellen habang nasa opening ng kanilang ice plant businsess. At ayon nga sa aktor, ay ito ang unang business nila bilang mag-asawa.

“So this is our first venture as a couple.”

Hindi naman maitago ni Derek ang kanyang labis na kaligayahan sa panibagong journey nila ni Ellen pagdating sa pagnenegosyo.

“Now, we are a proud owner of Mr. Freeze Ice Plant.”

“That thing over there makes 75 tons of ice per day,”turo naman ng aktor sa isa sa kanilang newly-sourced machines.

Nakasama naman nina Ellen at Derek si Gerry Santos, na ipinakita naman ang pagsuporta sa kanyang bagong business partners.

Tila nga hindi lamang karera at buhay pag-ibig ang puno ng kulay sa buhay ng mag-asawang Derek at Ellen, dahil maging sa pagnenegosyo ay sinimulan na rin nila ang kanilang journey.

Matatandaan na matapos magkakilala sa pagbungad ng taong 2021 at maengaged noong nakaraang buwan ng Marso ay tuluyang nauwi ang kanilang pagmamahalan sa isang intimate wedding ceremony na naganap noong ika-11 ng Nobyemre.

Ang kanilang sagradong pag-iisang dibdib ay naganap sa isang napakagandang private resort sa Bataan na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Pinatunayan nga nina Ellen at Derek na ang kanilang pagmamahalan ay hindi nasusukat sa tagal ng pinagsamahan. At kitang-kita nga ngayon na masayang-masaya sila sa piling ng isa’t isa.

error: Content is protected !!