Connect with us

Entertainment

Ellen Adarna at Derek Ramsay, Ibinahagi ang Kanilang Masayang Bakasyon sa Bansang Sweden Kasama ang Anak na si Elias

Bago magtapos ang ttaong 2022, ay nagbakasyon muna ang mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay sa South America, at sa pagsisimula naman ng panibagong taon na 2023, ay isa na naming masayang bakasyon ang sinulit ng mag-asawa kasama ang kanilang pamilya.

Sa pagkakataon naman na ito, ay sa bansang Sweden, nagbakasyon ang mag-asawa, kung saan ay kanilang inenjoy ang malamig na klima sa naturang bansa.

Tunay na napakasarap magbakasyon sa isang napakagandang lugar kasama ang iyong mahal o pamilya, kaya naman bakas sa bawat larawan na ibinahagi nina Ellen at Derek sa kani-kanilang Instagram account ang kasiyahan nila sa bakasyon nila sa Sweden.


Sa mga larawan na ibinahagi nina Ellen at Derek ay masisilayan din na kasama nila ang anak ng aktres, na si Elias. Ilan sa mga nakakaaliw na larawan nilang pamilya, ay ang larawan kung saan makikita na nag-e-enjoy sila sa pagtanaw ng bawat nyebe o snow sa kanilang kapaligiran.

Makikita din ang larawan na may mga rain deer o usa, at ang isa pang larawan kung saan tila naaaliw si Elias na pakainin ang isang usa.

Isa pa din sa mga ibinahaging larawan ni Ellen sa kanyang Instagram account, ay ang naging masayang pagbo-bonfire nila ng kanyang pamilya. Mayroon ding isang larawan na makikita sina Ellen at Derek na nag-e-enjoy sa pag-floating sa malamig na tubig ng Swedish Lapland.

Ilang mga larawan din nila ang nagpapakita kung gaano sila kasaya sa buhay nila ngayon bilang mag-asawa, kasama ang anak ng aktres na si Elias. Makikita pa sa mga ibinahagi nilang larawan ang kanilang family photo, ganun din ang iba pang mga larawan nila kasama ng iba nilang mga kapamilya.

Kahit nga napakalamig ng klima sa bansang Sweden sa panahon n nagging pagbabakasyon ng celebrity couple sa naturang bansa, ay kitang-kita naman na talagang nasulit at na-enjoy nila ang kanilang pananatili rito.

Samantala, marami naming netizens ang nakapansin kung gaano kasaya at ka-sweet ang mag-asawang Ellen at Derek sa nagging bakasyon nila sa Sweden. Ilan nga sa mga netizens ay nagbigay komento na tila kinikilig sa sweetness ng mag-asawa sa kanilang mga ibinahaging larawan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens;

“May forever sa dalawang ito.”

“Ang cute kung paano abutin ni derek.”

“Hanggang sa lutang moment love na love no derek hila pa at gusto magkaakbay sila.”

error: Content is protected !!