Connect with us

Uncategorized

Ellen Adarna at Derek Ramsay, Hindi Nakapagpigil na Sagutin ang mga Bashers na Nagsabing Nagtitikiman lamang sila

Tila nga hindi na mapaghiwalay ang aktor na si Derek Ramsay at aktres na si Ellen Adarna magmula nang magkasama sa dinner party sa bahay ng aktor. Dahil sa kanilang mga larawan, na talagang agaw atensyon sa social media, ay nakatuon na ang pansin ng mga netizens sa kanila.




May mga netizens nga na nagsabi na mas mabuting magpakatotoo na lamang sina Derek at Ellen sa tunay na estado ng kanilang relasyon dahil makikita naman sa kanilang mga larawan sa Instagram kung gaano sila kasweet sa isa’t isa.

At sa mga sweet photos na ibinabahagi nina Derek at Ellen, ay iba’t ibang espekulasyon ang kumakalat. Para nga sa ilang netizens, ay dinadahan-dahan lamang ng dalawa ang paglalantad sa tunay nilang relasyon. May ilan namang suportado kung anuman ang meron sa pagitan nila. Ngunit, mas marami ang basher na hindi gusto ang ginagawa ng dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12)

Bagama’t sanay na sina Derek at Ellen na magkaroon ng basher dahil sa pagiging sikat na personalidad sa showbiz, ay hindi pa rin sila nakapagpigil na sagutin ang maaanghang na salitang ibinabato sa kanila ng mga basher.

May isang basher nga na nagkomento sa Instagram post ni Ellen kung saan makikita na nilalambing niya si Derek. Komento nga nito, ay hindi umano magandang ehemplo ang tulad nilang public figure sa mga kabataan.




“Public figure but not a good influence to youths,”saad ng basher.

Agad naman itong sinagot ng diretsahan ni Ellen.

Aniya,“Yet you follow me, judge me, and allow your mind to be exposed to ‘our’ influence. Whose choice is that now? Shouldn’t you be protecting yourself and your peace?”

Samantala, may isang basher naman na may kabastusan ang naging pahayag kay Derek. Komento nga nito, ay babaero umano si Derek, at tila tinitikman lamang ang nais nitong babae.

“Womanizer talaga, eh haha pahinga mo naman t*t* mo @ramsayderek07 same to Ellen, ayaw ipahinga ang p*kp*k ehh. Nagtitikiman lang…Tinikman mo.”

Hindi naman nakaligtas kay Derek ang nasabing basher, at agad ring renesbakan ni Derek ang mahalay nitong sinabi.

“I hope you find joy with the words you have expressed to me and Ellen.”

Samantala, sa kabila ng maraming basher ay may mga netizens namang nakasuporta sa relasyon nina Derek at Ellen.

“DEREK – Single dad, gwapo, mayaman, happy, hindi perfect at walang paki sa bashers. ELLEN – Single mom, gwapa, mayaman, happy, hindi perfect at walang paki sa bashers. BASHERS – Single, pangit, pobre, feeling perfect at pinoproblema ang buhay ng ibang tao! 2021 na uy!”

Tuwang-tuwa naman si Ellen sa komentong ito ng netizen at sinabi na “Genius” umano ito.




Matatandaan na inamin ni Derek sa isang panayam na masaya siya dahil nakilala niya si Ellen, at naging kaibigan niya ang aktres. Ito nga ay dahil magkasundong-magkasundo sila sa maraming bagay.

“Kami ni Ellen, we are the same in so many ways.Hindi kami takot na ipakita ang nararamdaman namin o ipakita ang naiisip namin. We really enjoy each other’s company,”saad ni Derek.

Samantala, nito lamang ika-26 ng Pebrero, araw ng Biyernes, ay inamin na ni Derek sa exclusive interview ng Pep.ph ang tunay na estado ng kanilang ni Ellen. Sa wakas nga, ay inamin na ng aktor sa publiko na may relasyon sila ng dating sexy star.

error: Content is protected !!