Connect with us

Entertainment

Ella Cruz, Sinurpresa ng Kanyang Pamilya at Boyfriend na si Julian Trono ng Isang Kiddie-Themed Birthday Party Sa Pagdiriwang ng Kanyang Ika-25 Taong Kaarawan

Napakasarap naman talagang balikan ang masasayang kaganapan sa ating buhay noong tayo’y mga bata pa. At ang pinakapaborito nga natin sa lahat, ay ang pagkakaroon ng isang children birthday party.

Credits: Ella Cruz | Instagram

Tulad na lamang ng aktres at dancer na si Ella Cruz na tila bumalik sa kanyang pagkabata. Ito nga ay matapos siyang surpresahin ng kanyang pamilya at boyfriend na si Julian Trono ng isang kiddie-themed birthday party na ginanap sa kanilang tahanan.

Matatandaan na noong nakaraang taon, ilang araw lamang bago sumapit ang kanyang birthday, ay nakaranas ng stress si Ella matapos ma-hacked ang kanyang Facebook page. Hindi naman nagtagal ay na-recover ng aktres ang kanyang Facebook at masaya niyang naipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Credits: Ella Cruz | Instagram

At para nga ngayong taon, ay napakaespesyal ng pagdiriwang ng ika-25th birthday ni Ella. Dahil sa halip na isang masayang pagdiriwang ng kaarawan para sa mga dalagang tulad niya, ay isang children birthday party ang inihanda ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Sa Instagram, ay ibinihagi ni Ella ang mga larawan na kuha sa kanyang kiddie-themed birthday party. Ayon naman sa caption ng post ni Ella, dahil nga hindi makalabas para pumunta sa resort, ay ang resort na ang dinala sa kanilang bahay. Makikita nga sa mga larawan na masayang-masaya si Ella kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan na naglalaro sa inflatable slide at ball pit.

Credits: Ella Cruz | Instagram

“25th birthday party turned into kiddy party Thank you for this fun party. Again, my family, my friends and people who loves me, really never fail to surprise me! and mag isip ng mga pakulo lagi kong sinasabi ‘simple lang, 25 naman na ako eh.’ Pero binigyan nila ako ng children’s party! at dahil bawal lumabas para magresort, dinala na lang nila sa bahay kaya mama, my fam, hun @juliantrono, friends, @ellamazingofc & JEI !!! Thank you always!!! thank you for always making me feel like your baby i love you all! And salamat po sa lahat ng bumati at nakaalala.”

Credits: Ella Cruz | Instagram

Sa nasabing post rin, ay labis ang kanyang pasasalamat sa mga taong naghandog ng surpresa sa kanyang kaarawan para siya’y mapasaya. Pinasalamatan rin ni Ella ang mga taong nagpaabot ng pagbati para sa kanyang kaarawan.

Samantala, ang tatlong taon na niyang boyfriend at nagsisilbi ring on-screen partner ni Ella na si Julian Trono, ay nagpaabot naman ng isang ubod ng tamis na mensahe bilang pagbati.

Credits: Ella Cruz | Instagram

“As always, we forgot to take photos for the gram. but it doesn’t matter, cause these memories should be captured by the heart and not by the camera, right? Hope you enjoyed our little children’s party. hihi forever grateful, my hun. dreams are being fulfilled, goals are getting closer, and while we get busy building our own castle, let me lift it all up to Him, all the love and all the life. I appreciate you, and I will always choose you. Happiest birthday, woman. ”

Noong nakaraang taon, matatandaan na bumuo ng isang fundraiser ang magkasintahang Ella at Julian para suportahan ang mga kabataan at ilang frontliners na nakaranas ng matinding hirap at naapektuhan ng pandemya. Umabot nga ng halos ilang libong food packs, medical supplies at iba pang necessities ang kanilang naipamahagi sa mga pamilyang nangangailangan, health workers at mga frontliners.

error: Content is protected !!