Connect with us

Entertainment

Elisse Joson, May Nakakaantig Na Mensahe Para Sa Kanyang Anak Na 9 Months Old Na Ngayon

Bilang isang first time mommy ay talagang ibinubuhos ng aktres na si Elisse Joson ang kanyang atensyon at pagmamahal sa panganay na anak nila ni McCoy de Leon na si Baby Felize. Walang pinapalampas na sandali ang aktres para ipadama niya sa kanyang anak ang pagmamahal ng isang ina.

Photo credits to the owner

Nito lamang ika-11 ng Enero, araw ng Martes ay masayang ipinagdiwang ni Baby Felize ang kanyang ika-9 na buwang kaarawan. At para nga ipadama ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak, ay isang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni Elisse para batiin ito.

Photo credits to the owner

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Elisse ang kanyang mensahe na puno ng pagmamahal. Sa mensahe ng aktres ay kanyang binanggit rin ang bawat milestone ng kanyang anak na nagsisilbi niyang “happines”. Ang kanyang mensahe ay nilakipan ng napakacute na larawan ni Baby Felize na kuha sa simpleng selebrasyon ng espesyal na araw nito.

“9 months of you babyfelize. You can now lean in and kiss, clap, do close open, and we can see your two bottom teeth!”

Hindi naman maitago ni Elisse ang kanyang tuwa dahil nasasaksihan niya sa bawat araw ang unti-unting paglaki ng kanyang anak. At sa 9 na buwang lumipas, ay marami na ngang pagbabago sa kanyang napakacute na anak, gaya na lamang nga ng pagtubo ng mga ngipin nito.

Photo credits to the owner

“It’s amazing to witness your growth day by day. I love you, Felize! Happy 9th month.”

Sa hiwalay namang IG post, ay ibinahagi niya ang kanyang kahilingan para sa kanyang anak. Tanging hangad nga ng aktres para sa kanyang napakacute na baby girl ay kaligayahan at maayos na kalusugan.

Matatandaan naman noong nakaraang taon buwan ng Oktubre nang ibunyag ng real life couple na sila Elisse at McCoy na sila ay mga magulang na sa kanilang baby girl na si Felize. Sa isang panayam naman, ay ibinunyag ni Elisse na noong Abril 2021 nang isilang niya ang panganay nila ni McCoy sa United States. Sa nasabing bansa rin ginugol ni Elisse ang buong panahon na ipinagbubuntis niya si Baby Felize.

Photo credits to the owner

Samantala, naibahagi naman ni McCoy na kahit nakabuo na sila ng sariling pamilya ni Elisse, ay hindi naman sila nagmamadaling maikasal. Pag-amin nga ng aktor, ay nagiging praktikal lamang sila at kailangan nilang paghandaang mabuti at mag-ipon para sa kanilang pagpapakasal.

Photo credits to the owner

  1. “Lagi naming pinag-uusapan ni Elisse yan, pero lagi naming binabanggit sa sarili namin na dapat maging praktikal lang kami. Siyempre, di rin biro ang manganak lalo na ngayon pandemya, kailangang mag-ipon.”

“Yung kasal, siguro soon, wala namang problema do’n. Darating din naman tayo do’n. Kailangan lang siguro talaga naming paghandaan yon.”

“Saka di naman ako ang sasagot, ako naman ang magtatanong kasi ako yung magpu-propose.”

error: Content is protected !!