Connect with us

Entertainment

Elisse Joson, Isa ng Proud Mommy! Ibinahagi na ang Kanyang ‘Pregnancy Journey’ Matapos na Isapubliko sa PBB ang Pagkakaroon ng Baby

Si Elisse Joson o sa tunay na buhay ay si Maria Chriselle Elisse Joson Diuco ay isang Filipina actress, modelo at indorser, na nagsimula ang karera ng siya ay maging isang housemates ng Pinoy Big Brother Season 7. Siya ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero taong 1996.

Batid ng marami, ng makapasok sa PBB house si Elisse bilang isang housemates, at dito nga niya nakatagpo ang binatang taga-Tondo, na si Mccoy de Leon, na isa ring kilalang aktor at modelo. Sa loob ng Bahay ni Kuya ay nagkamabutihan ang dalawa, at maging ng sila ay nakalabas na at nagkaroon na nga ng karera ay mas naging malalim pa ang kanilang pagtitinginan, hanggang sa sila nga ay maging magkasintahan at magkatambal rin sa harap ng kamera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Tulad ng ibang mga magkasintahan ay dumaan rin sa pagsubok ang kanilang relasyon, dahil nagkahiwalay rin sila. Ngunit matapos ang balitang hiwalayan, ay muli ngang nagkabalikan at mas lalong naging matatag at napuno ng pagmamahalan ang kanilang relasyong dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Samantala, hindi naman inasahan ng lahat, ang naging malaking rebelasyon nina Elisse at Mccoy nito lamang ika-31 ng Oktubre, sa muling pagbisita nila sa PBB house. Matapang kasi na inamin ng dalawa sa publiko ang pagkakaroon na nila ng isang maganda at napakabait na baby girl, na ayon nga sa kanila ay si Baby Felize.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Matapos naman ang naging malaking rebelasyon na ito nina Elisse at Mccoy, kinabukasan nga ika-1 ng Nobyembre, araw ng Lunes, ay proud ng ibinahagi ni Elisse sa kanyang YouTube channel sa pamamagitan ng isang vlog ang kanyang naging ‘pregnancy journey.’

Mapapanood sa unang bahagi ng video na ipinakita ang naging ‘flashback’ sa naging relasyon nila ni Mccoy.

Sa vlog nga ay naibahagi ni Elisse, na tulad ng ibang mga personalidad sa showbiz na naging lihim rin sa publiko ang pagbubuntis, ay natakor rin umano siya, kung saan magkahalong excitement at takot nga ang kanyang naramdaman ng malaman niyang siya ay magiging isang ina na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Kasunod nito ay ipinakita na sa video ang ilang mga kaganapan sa kanyang naging pagbubuntis, kagaya na lamang ng siya ay magpacheck-up, magpa-ultrasound, mag gender reveal, at maging ang naging bonding moments na nila ng kanyang pamilya kasama ang baby girl nil ani Mccoy.

Ang ibinigay ngang pangalan nina Elisse at Mccoy sa kanilang baby girl ay Felize McCenzie, na ayon nga mismo kay Elisse, ito ay pinaghalong pangalan nila ni Mccoy.

Makikita naman sa Instagram ni Mccoy sa parehong araw na inilabas ni Elisse ang pregnancy journe nito, ay ang pagbabahagi niya sa kauna-unahang pagkakataon ng kanilang ‘family photo’ .

Maging si Elisse ay nagbahagi din ng nasabing larawan at iba pa ngang larawan ng kanilang napaka-kyut na baby girl at nilakipan niya pa ito ng madamdaming mensahe para sa anak.

Agad namang bumuhos sa comment section ang maraming pagbati para kana Elisse at Mccoy bilang mga bagong magulang, at ang naging warm welcome para sa kanilang baby Felize.

Ang iba namang mga malalapit na kaibigan ng nina Elisse at Mccoy sa showbiz na magiging mga Ninong at Ninang nga ng kanilang baby, ay nagpaabot rin ng kanilang mensahe at excitement na makita ang cute na cute na si baby Felize.

error: Content is protected !!