Connect with us

Entertainment

Edu Manzano, Inamin Sa Publiko Na May Relasyon Sila Ng Aktres Na Si Cherry Pie Picache

Nito lamang ika-19 ng Nobyembre nang kumpirmahin ng aktor na si Edu Manzano ang relasyon nila ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Marami nga ang talagang nagulat sa balitang ito, ngunit hindi na ito nakapagtataka dahil magkasama sa Kapamilya teleserye ang dalawa na “Marry Me, Marry You”. Kung saan nga, habang magkatrabaho ay naging mapalit sa isa’t isa at nabuo ang kanilang pagtitinginan.

At matapos na rin ngang mabunyag sa publiko ang kanilang relasyon noong nakarang Nobyembre 18, ay nasundan naman ito ng magkasunod na post ni Cherry Pie sa Instagram ng mga larawang makikitang magkatabi sila ni Edu habang sila’y nagbabakasyon sa New York. Ang kanilang kasweetan naman ay hindi maitanggi ng kanilang mga kasamahan na sina Arci Muñoz at Yam Concepcion. Ayon nga sa mga ito, ay masaya ngayon si Cherry Pie at talagang in love.

Sa art card naman ng News5 nitong Biyernes, nang tuluyang malantad sa publiko ang relasyon nina Edu at Cherry Pie. Nakasaad nga dito ang mga katagang:

“CHERRY PIE PICACHE AT EDU MANZANO, MAGKARELASYON NA”

Mababasa pa nga sa art card, na mismong si Edu ang nagkumpirma ng kanilang relasyon ni Cherry Pie sa TV5 news anchor na si Cheryl Cosim.

Samantala, ngayon nga ay makikita naman kina Edu at Cherry Pie na pareho silang masaya sa kanilang relasyon. Bago naman nila masumpungan ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa ngayon, ay marami munang dumaan sa kanilang buhay.

Matatandaan nga na naging makulay ang buhay pag-ibig ni Edu sa piling ng kanyang dating asawa na si Vilma Santos, kung saan sila’y ikinasal noong 1980. Ang kanilang pag-iibigan na nauwi sa hiwalayan ay nagbunga ng isang supling. Ito nga ang may matagumpay ngayong karera sa showbiz na si Luis Manzano, isang aktor at kilalang mahusay na TV host sa industriya ng showbiz.

Matapos naman ng paghihiwalay nina Edu at Vilma, ay muli namang ikinasal si Edu kay Maricel Soriano noong 1989. Ngunit, matapos lamang ang ilang taon nilang pagsasama ay nauwi rin ito sa hiwalayan. Muli namang umibig si Edu sa commercial model na si Rina Samson kung saan ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng dalawang anak, sina Addie at Enzo.

Ilan pa sa mga naging karelasyon ni Edu na nauwi rin sa huli sa hiwalayan ay ang newscaster na si Pinky Webb, at ang huli nga niyang nakarelasyon ay ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Ireyne Garcia.

Si Cherry Pie naman ay dati ring may makulay na love life sa kanyang long-time boyfriend na si Gary Tria, at ang kanilang dating matamis na pag-iibigan ay nagbunga ng isang anak. Siya nga si Nio na ngayon ay lumilikha na rin ng kanyang sariling pangalan sa showbiz. Taong 2006 naman nang maghiwalay sina Cherry Pie at Gary.

error: Content is protected !!