Connect with us

Entertainment

Eat Bulaga Host na si Allan K., Proud na Ibinahagi ang Kaniyang Naipundar na Tahanan

Inaakala ng marami na kung ang isang tao ay nasa industriya ng showbiz, agad-agad itong makakapagpundar ng mga ari-arian ngunit gaya ng pangkaraniwang mga tao, dumadaan din sa paghihirap ang mga sikat na personalidad.

Ang lahat ng kanilang nakukuhang yaman ay mula sa kanilang sipag at tiyaga. Kaya naman nakakatuwa ang mga personalidad na nagkaroon na ng kanilang inaasam na ari-arian.

Photo credits: Allan K.| IG

Gaya nga ng mga personalidad na ito, ilang taon din ang lumipas bago nagkaroon ng napakagandang bahay ang host at komedyanteng si Allan K. Taong 1995 pa nagsimulang magtrabaho si Allan bilang isa sa mga host ng kilalang variety show na Eat Bulaga.

Mula noon ay naging regular naman ang trabaho ni Allan hanggang sa nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang ilang sikat na artista sa mga pelikula gaya ng “Enteng Kabisote”.

Photo credits: Mars Pa More | YT

Sa isang show ng GMA, proud na ibinahagi ni Allan ang bunga ng kaniyang pagtatrabaho sa showbiz. Ipinasilip niya ang ilan sa napakagandang silid ng kaniyang tahanan. Sa main door pa lamang ay talagang mapapansin na ang pagiging magara ng kaniyang tahanan. Pagpasok naman dito ay makikita ang iba’t ibang napakagandang artworks.

Photo credits: Mars Pa More | YT

Masasabi naman na ipinagawa niya ang kaniyang tahanan hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para na rin sa mga mahal niya sa buhay. Dahil dito, nagpagawa siya ng espesyal na espasyo para sa kaniyang mga kaibigan na mahilig kumuha ng magagandang litrato.

Mula naman dito ay makikita ang dining area kung saan komportableng makakapagsalu-salo ang kaniyang pamilya. Mapapansin ang modernong disenyo nito na sinamahan ng kakaibang mga ilaw at palamuti.

Photo credits: Mars Pa More | YT

Aakalaing mukhang isang ordinaryong mansyon lamang ito ngunit ang totoo ay kakaiba ang bahay na ito ni Allan dahil sa kaniyang pribadong coffee shop sa loob ng kaniyang tahanan.

Gaya ng pangkaraniwang coffee shops, talagang nakaka-relax ang ambiance nito dahil sa napakagandang mga dekorasyon. Bukod sa coffee table, mayroon ding bar sa coffee shop na ito. Kung hindi naman mahilig sa kape ang kaniyang mga bisita, maaari din silang makapag-relax sa outdoor swimming pool ng komedyante.

Photo credits: Mars Pa More | YT

Mapapansin na hindi lamang ang kaniyang mga modernong palamuti ang nakapagbibigay ng kagandahan sa bahay na ito kundi pati na rin ang naggagandahang mga halaman ni Allan gaya ng kaniyang monstera.

Masasabing talagang pinaghirapan ni Allan na ipatayo ang bahay na ito mula sa ilang taon niyang pagtatrabaho at pagpapasaya sa kanilang mga viewers at fans. Bawat dekorasyon at litrato ay repleksiyon ng kaniyang pagiging host at komedyante.

error: Content is protected !!