Connect with us

Entertainment

“Dumating din yung time wala akong naging raket kasi pangit ako”: Ivana Alawi, Ibinahagi ang Hirap na Pinagdaanan Bago Siya Sumikat

Ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi ay isa sa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz. Hindi man pinalad noon nang sumali sa reality talent show ng GMA na StarStruck, ay muli naman siyang nabigyan ng pagkakataon nang magbukas ang pinto ng oportunidad sa kanyang karera at mapabilang sa Kapamilya Network noong 2018.

Ilan sa kanyang mga ginampanang Kapamilya teleserye ay Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi at FPJ’s Ang Probinsyano. Noong 2019 ay nasundan pa ang proyekto ni Ivana ng kanyang unang lead role sa Kapamilya prime-time series na Sino Ang Maysala?

Hindi man natuloy ang proyekto para sa taong 2020 dahil sa pandemya, ay umarangkada naman ang kasikatan ni Ivana bilang isang vlogger na may 13.3 subscribers na sa kanyang YouTube Channel.

Ngayon nga, ay masasabi na malayo na ang tagumpay na nakamit ni Ivana, bilang isang aktres at vlogger kung saan tinatamasa na ng kanyang pamilya ang maayos at masaganang pamumuhay. Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami, bago niya makamit ang tagumpay ay matinding hirap rin sa buhay ang pinagdaanan ni Ivana.

Photo credits: Google

At nito lamang ika-12 ng Hunyo sa latest vlog ni Ivana, kung saan kasama niya ang kanyang mga kapatid na si Hashim at Mona, nang magkwento siya ng buhay na meron sila noon. Pag-amin nga ni Ivana, noon pa mang hindi siya sikat ay nasa puso na niya ang maging breadwinner ng kanilang pamilya.

Tinanong kasi siya ni Mona kung bakit siya nagpasyang tulungan ang kanyang pamilya kahit napakabata pa niya. Walang pag-aalinlangan nga itong sinagot ni Ivana na gusto niya talaga ang tumulong sa pamilya.

Photo credits: Google

Kwento pa ni Ivana, kahit na hindi pa siya nag-aartista, ay determinado na siyang tulungan ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng mga raket niya. Sa katunayan nga nito, ay marami na siyang karanasan para kumita ng pera. At isa nga rito ang pamimigay ng mga flyers.

Ibinahagi rin ni Ivana ay natuto siyang maghanap ng mapagkakakitaan noong nawala sa kanila ang kanyang ama kung saan ay hindi sila sinusuportahan. Dagdag pa ni Ivana, ay dumating rin ang puntong nawalan siya ng raket dahil sa kanyang hitsura.

“Nung nawala yung aming tatay, nung hindi kami sinusuportahan, nagpa-flyering ako, nagraraket para makatulong din sa pamilya.”

“Dumating din yung time na wala akong naging raket kasi pangit ako.”

Photo credits: Google

Nang sabihin ito ni Ivana, ay agad namang kumontra si Mona at sinabi na maganda ang kanyang Ate Ivana. Ngunit, ipinaliwanag naman ni Ivana na ang kanyang ibig sabihin ay ang kanyang height na hindi raw nakapasa sa requirements.

Photo credits: Google

Dahil dito, ay si Mona raw ang nagsalba sa gasgustin ng kanilang pamilya nang pumasok ito sa showbiz. Si Mona raw ang naging katulong ng kanyang Mama Fatima sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Ngunit, hindi nagtagal ay nagpahinga ito sa pag-aartista. At dito na nga nasubok ang pagtutulungan nilang magkakapatid.

“If any one of us finds that much success, automatically each one will help each other,”pahayag ni Hashim.

Sang-ayon ni Ivana, “Kasi ganun kami pinalaki. Hindi kami pinalaki na maging makasarili. I’ll always be here for you, guys.”

Dagdag ni Mona, “We think as a family. Kaya I really look up to ate.”

Photo credits: Google

Ibinahagi rin ni Ivana ang tungkol sa paghihiwalay ng kanyang ina na si Fatima at amang Morrocan na si Samier Al-Alawi. Ayon kay Ivana, matapos maghiwalay ang kanilang mga magulang, ay bumalik sila ng Pilipinas. At dito nga, ay naranasan ng ina ni Ivana na mangutang dahil sa kawalan ng pera. Mahirap lamang ang buhay ng pamilya ni Ivana noon kung saan ay wala na silang makain. At para makakain at may pang ulam ay madalas mangutang sa tindahan ang kanyang ina. Umaabot pa nga raw na nag-uulam sila ng toyo sa kanin dahil walang mautangan ang kanyang ina.

Photo credits: Google

“Dumaan din ako dun way, way back, pagdating ko sa Pilipinas. Yung mama ko laging nangungutang kasi wala kami makain.”

“Dumating kami sa point na toyo at saka kanin kasi wala na siya mautangan.”

“And I’m thankful kasi isa siyang stepping stone, e. Yun ang nagpu-push sa akin.”

Samantala, noong 2018 ay muling pinagtagpo ng tadhana si Ivana at ang kanyang ama. Ngunit, maikling sandali lamang silang nagkasama nang masawi ito dahil sa heart attack. Hindi naman na lingid sa publiko na sa pagpanaw ng kanyang ama ay kay Ivana na ipinamana ang mga ari-arian nito sa Bahrain.

error: Content is protected !!