Connect with us

Entertainment

Drew Arellano, Ibinuko ang Behind the Scene ng Outfit Look ng Kanyang Asawang si Iya Villania Habang Nagrereport sa 24 Oras

Kasabay ng hindi inaasahang pagdating ng pandemya sa bansa, ay ang pagbabago rin ng buhay ng marami. Marami ang naapektuhan ng pandemaya sa iba’t ibang sangay ng industriya sa ating bansa.

Isa na nga sa naapektuhan ay ang News and Media industry. Isang taon na nga tayong nakikipagsapalaran laban sa pandemya. At maging ang trabaho natin at hanapbuhay ay apektado rin. Kung ang ilan nga, ay nawalan trabaho, ang iba naman ay naka-work from home.

Katulad na lamang nga ng maybahay ni Drew Arellano na si Iya Villania, na naghahatid ng balita sa segment ng 24 Oras na Chika Minute sa loob mismo ng kanilang tahanan. Dahil nga, nilimitahan ang mga tauhan sa kanilang work place upang maiwasan ang hawaan, ay diskarte naman ang kailangan upang magmukhang presentable sa harap ng camera habang nagtatrabaho. At si Iya nga, ay makikita na napakaganda at talagang nakaayos kung saan ay maganda rin ang suot na damit habang nagrereport bilang Chika Minute anchor.

Ngunit, nito lamang-Abril 22, ay kinagiliwan ng mga netizens ang larawan ni Iya, matapos ibuko ng kanyang asawang si Drew Arellano ang totoong hitsura niya sa likod ng camera.

Sa Instagram story ni Drew, ay ibinahagi niya ang dalawang larawan. Sa unang larawan ay makita na seryoso si Iya habang nakaharap sa camera at nag-uulat. At makikita naman na talagang nakaayos at pormal na pormal ang kanyang dating. Half-body lamang ang makikita ng publiko kay Iya habang nagrereport, at ang larawan nga ay nilagyan pa niya ng caption na “What you see.”

Sa sumunod namang IG story ni Drew, ay ang rebelasyon sa tunay na hitsura ng outfit. Dito naman ay makikita ang kabuuang hitsura ni Iya mula ulo hanggang paa. At kung formal look ang makikita sa telebisyon kay Iya. Sa kanyang behind the scene ay makikita na nakasuot lamang siya ng pambahay na floral shorts. Makikita rin na isang pares lamang ng tsinelas ang kanyang suot.

“My wife is always ahead of the fashion curve!”

Makikita naman na balewala kay Iya ang kakaibang suot sa likod ng camera. At ang behind the scenes sa tunay na hitsura ng ouffit ni Iya ay talaga namang nakakabilib at kinatuwaan rin ng mga netizens.

Anuman nga ang hitsura sa likod ng camera na hindi nakikita na publiko, ang mahalaga parin ay maayos at presentableng nakikita si Iya sa telebisyon upang magbalita at gampanan ng maayos ang kanyang trabaho.

error: Content is protected !!