Connect with us

Entertainment

Dra. Vicki Belo, May Nakakatuwang Reaksyon Dahil First Time Lang Makakita Ng Katol At Hindi Alam Kung Paano Ito Gamitin

Likas na nga sa sikat na komedyante at TV host na si Vice Ganda ang maghatid ng saya sa kanyang mga tagahanga. At sa kanyang mga vlog nga mapapanood sa kanyang sariling YouTube channel ay palaging goodvibes ang kanyang hatid.

Photo credits to the owner

Isa rin sa content ng mga vlog ni Vice ay ang house raid sa mga sikat na artista at personalidad sa showbiz. At kamakailan lamang nga, ay binisita ni Vice ang bahay ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo. Ayon kay Dra. Vicki Belo ay ito ang luma nilang bahay, kung kaya’t hindi na ito masyadong nagagamit.

Photo credits to the owner

Inilibot nga ni Dra. Vicki si Vice sa loob ng kanilang bahay. Agad nga silang nagtungo sa kwarto para maipasilip ito sa mga viewers. Ngunit, sa kanilang paglilibot ay maraming dirty secrets ang nadiskubre ni Vice, katulad na lamang nga ng maduming electric fan. At ayon nga, kay Dra. ay nakalimutan itong linisin ng kanyang kasambahay. Tinuruan pa ito ni Vice kung paano maglinis ng electric fan.

Photo credits to the owner

Pagdating naman sa kama ay agad napansin ni Vice ang butas nitong bedsheet. Biro pa nga ni Dra. Vicki sa kanyang kasambahay ay masisisante na ito. Ikinagulat naman ni Vice nang mahiga siya sa kama at makita ang isang lumang brief sa ilalim ng unan na tila naman sinadya para mapaglaruan ang doctora. Dito nga ay talagang napuno ng tawanan ang silid matapos maghabulan ang dalawa at ihagas ni Vice kay Dra. Vicki ang lumang brief.

Photo credits to the owner

Hindi naman dito natapos ang paghalughog ni Vice sa loob ng kwarto nito. At sa kanyang pagpapatuloy ay may nakita siyang isang kahon ng katol. Kaya naman, agad niya itong ipinakita kay Dra. Vicki at ayon dito, ay hindi daw sa kanila ang nasabing katol dahil hindi sila gumagamit nito.

Photo credits to the owner

Binigyan naman ng challenge ni Vice si Dra. Vicki na paghiwalayin ang dalawang magkadikit na katol. Noong una’y tila nahihirapan ang doctora dahil first time niyang makakita ng katol at hindi niya alam kung paano ito paghiwalayin. Ngunit sa huli nga matagumpay niya itong napaghiwalay. Napuno naman ng tawanan sa sumunod na challenge kung saan nga ay kailangang mailagay ito sa stand at masindihan.

Photo credits to the owner

Sa unang subok pa lang nga ay mali na ang ginawa ni Dra. Vicki kaya naman tawang-tawa si Vice at mga kasamahan nila. At tila nga hindi talaga alam ng doctora kung paano ito mailalagay sa stand. Hindi naman tumigil si Dra. Vicki sa pagsubok ng iba’t ibang paraan para mailagay ng tama ang katol sa stand.

Sa huli nga ay natutunan rin nito ang tamang paglalagay ng katol sa stand. Kaya naman, sa labis na tuwa ng lahat ay napuno ng palakpakan ang silid. Biro naman ni Vice, ay nakakaproud ang ginawa ng doctora dahil sa wakas nga ay marunong na itong maglagay ng katol sa stand.

error: Content is protected !!