Connect with us

Entertainment

Dra. Vicki Belo at Anak na si Scarlet Snow Belo, Nag-enjoy sa Car Wash Challenge Kasama ang Sikat na Vlogger na si Ivana Alawi

Kilalang-kilala ng lahat ang sexy actress at vlogger na si Ivana Alawi hindi lamang sa kanyang napakagandang mukha at katawan, kundi maging sa kanyang mga nakakaaliw na videos na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

Talaga namang kahanga-hanga ang angking galing ni Ivana na makuha ang kiliti ng kanyang mga viewers sa kanyang mga vlog. Hindi nakapagtataka na isa siya sa pinakasikat na vlogger sa bansa na talagang hinahangaan ng lahat.




Kaya naman, maging ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo ay napahanga rin ni Ivana sa kanyang mga nakakaaliw na videos, lalo na ang car wash challenge at laba video na ginawa ni Ivana kung saan ay umani ng ilang milyong views.

At bilang baguhan sa mundo ng vlogging ay inimbitahan ni Dra. Vicki Belo si Ivana sa kanilang tahanan, upang magpaturo ng mga dapat gawin ng isang vlogger. Isa nga sa nais gawing challenge ni Dra. Vicki Belo sa pakikipag-collab kay Ivana ay ang car wash challenge.

Bago magsimula ang dalawa sa nasabing challenge, ay nagkaroon muna ng maikling panayam kay Ivana patungkol sa kanyang buhay bilang isang vlogger at sa kanyang love life.
Itinanong nga ni Dra. Vicki Belo kung ano ang sikreto ni Ivana kung bakit ganun na lamang karami ang natutuwa at nanonood ng kanyang mga video.

Saad naman ni Ivana, ay hindi naman daw niya alam ang dahilan kung bakit siya kinagigiliwan ng mga manonood. Ayon nga sa aktres, ay normal lang naman daw niyang ginagawa ang kanyang mga vlog.

Samantala, nadako naman ang tanong ni Dra. Vicki Belo sa lovelife ni Ivana. Na ayon sa vlogger, ay single parin siya hanggang ngayon dahil sa ilang ulit na pagkabigo sa kanyang mga naging karelasyon. Pinayuhan naman ng celebrity doctor si Ivana, na isang tunay na lalaking Christian na may takot sa Diyos ang kanyang ibigin upang magkaroon ng masayang pagsasama.

Pag-amin naman ni Dra. Vicki Belo, ang dahilan umano kung bakit nais niyang gawin ang car wash challenge ay upang matutunan niya ang mga simpleng gawain sa bahay kasama ang kanyang na si Scarlet Snow Belo. Pagbabahagi pa ni Dra. Belo, ay lumaki umano siyang walang alam sa mga gawaing bahay, kung kaya’t hindi rin niya maturuan ang kanyang anak.

Sa pagsisimula ng car wash challenge ay nagpalit muna ng sexy outfit si Ivana. At sinimulan nang turuan ng step by step si Dra. Vicki ng tamang paglilinis ng kotse na may halong kaseksihan. On the go naman si Dra. Vicki sa pagsunod sa mga itinuro ni Ivana, magmula sa pagbasa gamit ang hose sa kabuuan ng kotse hanggang sa pagsabon ng nito ay ginawa ng celebrity doctor.




Nakasama rin nina Ivana at Dra. Vicki si Scarlet na siya namang may hawak ng hose. Sa huli nga, ay binasa ni Scarlet si Ivana ng tubig. Makikita na talagang nag-enjoy sina Dra. Vicki Belo at Scarlet na makasama si Ivana sa car wash challenge. Makikita nga ang tawanan at kasiyahan sa bawat isa habang ginagawa ang challenge.

error: Content is protected !!