Connect with us

Stories

Dr. Vicki Belo, Inalala ang mga Panahong Kinukutya siya Dahil Sa Kanyang Panlabas na Anyo, na Naging Dahilan Upang Ipursige niya ang Pangarap na Maging Isang Dermatologist

Si Dr. Vicki Belo ay kilalang personalidad sa industriya ng showbiz bilang isang matagumpay, empowered woman at hinahangaang dermatologist ng marami. Ngunit, sa likod pala nito ay may malungkot na kwento na hindi batid ng madla.

Kung makikita nga natin ay masaya at matagumpay ang buhay ng pinakasikat na dermatologist sa bansa, ngunit may malungkot at hindi magandang karanasan pala ang hinahangaang dermatologist noong kabataan niya, na siyang nagtulak sa kanyang tuparin ang pangarap na maging isang dermatologist. At ito rin ang dahilan kung bakit siya nagsumikap na magtayo ng kanyang sariling beauty company sa bansa.

Photo credits: Vicki Belo | IG

Sa naging panayam ng GMA network kay Dr. Vicki Belo, ay ibinahagi nito ang kanyang karanasan noong bata pa siya kung saan ay madalas umanong ma-bully dahil sa kanyang panlabas na anyo.

Sa murang edad ay nakakatanggap na siya ng mga hindi kanais-nais na komento. At masakit man isipin, ay pakiramdam ni Dr. Vicki Belo, ang kanyang hindi magandang panlabas na anyo ang dahilan kung bakit siya pinaampon ng kanyang sariling mga magulang.

Kwento ng sikat na dermatologist, ay mataba at hindi siya maganda noon. Bukod rito, ay marami rin siyang pimples noong 11 taong gulang pa lamang siya. Tumatak nga sa isipan niya, na kapag mataba at hindi maganda ay ipapamigay na lang.

“I think it started when I was young. I was very fat and I was adopted. My classmates would ask me, ‘why did your parents give you away?’ and my other friends would say, ‘of course, you’re ugly and you’re fat.’

“So what I got early in my life, parang na-conclude ko na ‘pag mataba ka at hindi ka maganda, pinamimigay ka lang.”

Photo credits: Vicki Belo | IG

“And then when I was in my teenage years, starting 11 years old, ang dami kong tigyawat. Again, I felt ugly, I felt dirty, I felt oily, and then ‘pag pumupunta ko sa party, parang feeling ko lagi silang nakatingin sa tigyawat ko. Parang hindi nila ako nakikita, parang nadi-distract sila kasi ang dami kong pimples.”

Photo credits: Vicki Belo | IG

Dahil sa mga insecurities na ito, ay nagkaroon siya ng dahilan upang tuparin ang pangarap na maging isang dermatologist. Sa ganitong paraan, ay marami siyang matutulungan at mabibigyan ng pag-asa na gumanda, lalo na nga ang mga tulad niya na nakaranas ng pangmamaliit mula sa ibang tao.

“I was only five years old when I wanted to make people beautiful para they will be loved. That was my equal, ‘di ba, if you’re beautiful, you’re loved.”

Wala namang kapantay na kaligayahan ang nadama ng dermatologist at nagkaroon rin ng kompyansa sa sarili matapos maayos at mapaganda ang sarili sa pamamagitan ng cosmetic surgery.

“In my own experience, no’ng naayos ko na ‘yung mga problema ko, like being fat, maraming taghiyawat, naging happier ako. I am more self-confident and more successful kasi ‘di na nagiging obstacle ang aking pagka-self-conscious sa mga problema ko.”

Photo credits: Vicki Belo | IG

At ang pinakamagandang nangyari nga sa buhay na masasabing malaking pagbabago sa buhay niya, ay ang maitayo ang Belo Medical Group. Dahil nga sa kanyang kompanya, ay nagagawa niyang mapaganda at mabigyan ng confidence ang mga taong nais gumanda.

“So the biggest reward for me in putting up Belo Medical Group is the way we change life by just making people more beautiful and more self-confident. Parang if it’s something that moves you, you’re an inspiration for the working union.”

Si Dr. Vicki Belo ay legal na inampon ng kanyang Tita na si Florencia Gonzalez at asawa nitong si Enrique Belo. Siya naman ay ipinanganak bilang si Victoria Cancio.

error: Content is protected !!