Connect with us

Entertainment

Doug Kramer, Sinurpresa ang Kanyang Misis na si Cheska Kramer ng Isang Bagong Sasakyan Bilang Christmas Gift

Ang mag-asawang Doug Kramer ay Cheska Garcia-Kramer ay isa sa hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz. Hindi naman talaga maikakaila ang pagmamahal na iniaalay ng mag-asawa sa isa’t isa. Sa kanilang mga social media accounts nga, ay masisilayan ang kanilang ka-sweetan at pagmamahal sa isa’t isa na naghahatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga.




At kamakailan nga, ay muli na namang naghatid ng kilig ang mag-asawa sa kanilang mga tagahanga. Ito nga ay matapos iparamdam ni Doug sa kanyang misis na si Cheska ang kanyang pagmamahal, matapos nitong surpresahin ng isang bagong sasakyan bilang Christmas gift.

Photo credits: Dough Kramer | Instagram

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Doug ang kaganapan at reaksyon ni Cheska nang matanggap nito ang regalo. Isa ngang “happy wife” si Cheska na talagang hindi maitago ang saya nang matanggap ang regalo ng asawa.

Samantala, sa caption naman ng post ni Doug, ay inalala niya na noon raw ay ibinenta ni Cheska ang paborito nitong sasakyan mapunan lamang ang kanilang mga pangangailangan.

“I know there are more important matters to you. But there are some things I don’t forget. I still remember the day we had to sell your favorite car to meet our needs.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)

Ayon pa kay Doug, ay hindi umano nila pinag-awayan ang pera, at wala siyang narinig na pagrereklamo mula sa kanyang asawa.

“We never fought about money, you never complained either. I just lost some hair, but that’s ok! Our joy is always fixed on Him!”

Mababakas naman ang ka-sweetan ni Doug sa kanyang mensahe para kay Cheska kung saan ay binati nito ng Merry Christmas ang asawa, at tinapos sa isang matamis na “I love you” ang kanyang pagbati.

“I love our journey of lessons and sacrifices! Merry Christmas sweetheart! I love you!”




Nagawa pang magbiro ni Doug sa kanyang post, ayon nga rito, ang regalo niya kay Cheska ay kanya rin raw at ito ay magagamit rin niya.

“PS. What’s yours is mine, so I get to use it too! Haha!”

Photo credits: chekakramer | Instagram

Kalakip naman ng caption na ito ni Doug, ay larawan kung saan makikita si Cheska na nakaposing sa harap ng sasakyan na nilagyan ng disenyo ng pulang laso sa unahang bahagi nito. Makikita na masayang-masaya si Cheska sa handog na surpresang regalo ng kanyang asawa ngayong pasko.

Talaga nga namang walang kupas ang pag-iibigan nina Doug at Cheska, na bagama’t noong taong 2008 pa ikinasal ay nananatili parin ang tamis at alab ng kanilang pagmamahalan.

error: Content is protected !!