Connect with us

Entertainment

Doug Kramer at Cheska Kramer, Inamin Na Umabot Ng P79,000 Ang Bill Sa Kuryente, Ibinahagi Ang Naging Sulosyon Sa Mataas Nilang Electric Bill

Sa pang-araw-araw nating buhay ay nakasanayan na natin ang gumamit ng mga bagay na pinapagana ng kuryente habang tayo’y nasa loob ng ating mga tahanan kung saan tayo nagiging komportable. Kaya naman, pagsapit ng bayaran ng electric bill ay talagang sumasakit rin ang ating ulo sa laki ng bayarin, dahil nga sa taas ng kunsumo.

Ngunit sa pagtaas ng bill ng kuryente, ay kasabay naman nito ang mga alternatibong paraan para makatipid at masulosyunan ang malaking bayarin kada buwan. Ito nga ang tinatawag na solar power o solar energy kung saan gumagamit ng solar panels na nagsisilbing source ng kuryente ang enerhiya na nagmumula sa araw.

At isa nga sa nakaranas ng magandang benepisyo ng pagkakaroon ng solar power ay ang mag-asawang Doug at Cheska Kramer. Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na ang kanilang pamilya ay nakatira sa isang napakaganda at napakalaking bahay. Dahilan nga, kung bakit malaki rin ang kanilang nakukunsumong kuryente at mataas nilang electric bill kada buwan.

Sa isang vlog ay ibinahagi ng mag-asawang Cheska at Doug na sa unang buwan ng kanilang paninirahan sa kanilang bagong bahay, ay umabot ng halos P79,000 ang kanilang binayaran. Kaya naman, hindi na nagdalawang isip pa ang mag-asawa na subukan ang paggamit ng solar power para maging alternatibo at makatipid sa binabayarang bill ng kuryente.

Sa tulong nga ng Solaric ay nagpakabit ang celebrity couple ng solar panels sa bubong ng kanilang bahay. At matapos nga ng installation ay nakita nila ang malaking pagbabago sa binabayaran nilang electric bill. Malaki nga ang pasasalamat ng mag-asawa dahil napakalaking nito sa kanilang pamilya. Bukod nga sa talagang mag-eenjoy at komportable ang kanilang pamilya sa pananatili sa loob ng kanilang tahanan, ay wala na rin silang iisiping malaking bayarin sa kuryente kada buwan.

Pagbabahagi nga ng mag-asawa, ang dating P79,000 na binayaran, ay bumaba ng halos P30,000 nalang pagsapit ng sumunod na buwan. Ayon pa nga kay Cheska, ay hindi lamang ito magandang investment para sa kanilang pamilya, kundi isa ring investment na malaki ang naitutulong sa kalikasan.

Dahil nga sa naisip ng mag-asawang Cheska at Doug na magpakabit ng solar power sa kanilang tahanan, ay marami rin sa mga netizens ang napahanga ng kanilang pamilya at nakita rin ang magandang benepisyo ng paggamit nito. Ang mga ito nga ay nagbigay ng positibong komento na puno ng paghanga.

“Their house is beautifully surrounded by so much greens.😊 If it were me, aircon would be an hour long lang, then everything else would be done in the open for oxygen-rich air.. Not because of the bill, but because of health, so we can save both the kids’ lungs and the ozone layer.😊 Wonderful work with the solar panels too, galing. Smart move😊”

“I do wish we have more providers for solar so that price of panels and equipment become a bit affordable for common households. I hope to have this in my house 😊”

“Not just on solar panels, invest more on batteries where you store the solar energy. The more storage you have the less you’re dependent with meralco. Turning into renewable energy will not only benefit you financially, this is sustainability which is good for the planet 😊“

error: Content is protected !!