Connect with us

Entertainment

“Doon sila sa mura”: Mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Hindi Sinasanay sa mga Mamahaling Bagay ang Kanilang mga Anak

Si Judy Ann Santos ay halos tatlong dekada nang namamayagpag sa industriya ng showbiz. Kaya naman, isa siya sa mga sikat na artista sa showbiz at masasabi na talagang malayo na ang narating.

Maliban nga sa kanyang namamayagpag na karera, ay nakapagtayo na rin sila ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo ng kanilang sariling negosyo na “Angrydobo” kung saan ay mga masasarap na Filipino dish ang kanilang inihahain sa kanilang mga customer. At ang ilan nga sa mga ito ay sariling recipe ni Juday.

Photo credits: Judy Ann Santos | IG

Ang restaurant na ito ng mag-asawa, ay pinagkukunan nila ng kabuhayan, at maliban rito ay malaki rin ang kinikita nila sa kanyang trabaho. Ngunit, sa kabila ng kanilang marangyang pamumuhay ay hindi naman nawala sa kanilang pahalagahan ang bawat salapi na kanilang pinaghirapan. Sa katunayan nga nito, ay tinuturuan rin nila ang kanilang mga anak ng tamang pamamaraan ng paghawak ng pera.

At sa naganap nga na launching ng isa sa kanyang mga endorsement, ay ibinahagi ni Juday na hindi nila sinasanay sa mga mamahaling bagay ang kanyang mga anak. Ito nga ang ginagawa nilang paraan para maturuan ang kanilang mga anak na magtipid at makontento sa simpleng pamumuhay at bagay na meron sila.

Saad nga ni Juday,“Doon sila sa mura”.

Photo credits: Judy Ann Santos | IG

Nang makapanayam nga ng PEP.ph si Juday, ay proud na ibinahagi ng aktres na sa murang edad ng kanyang mga anak ay marunong na ang mga itong gamitin ang pera sa tamang paraan. At ang bagay nga na ito, ay natutunan lamang ng kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

“They’re not materialistic people, e. Basta nagustuhan nila ang isang bagay, regardless kung mura o mahal, doon sila sa mura. Kasi aware sila, conscious sila, hindi sila naniniwala na dapat mahal ang gamit mo.”

Photo credits: Judy Ann Santos | IG

Kwento pa nga ni Juday, sa tuwing mamimili sila ay hinihikayat niya ang kanyang mga anak na piliin ang mas mura at wag ang mamahalin.

Maliban sa turong ito nina Juday at Ryan sa kanilang mga anak, ay itinuro rin nila sa mga ito na maging mapagbigay at ibahagi ang kanilang blessings sa ibang bata na nakikita nila sa lansangan.

Photo credits: Judy Ann Santos | IG

Ibinahagi rin ni Juday na pagdating sa pagkain at pera, ay maituturing itong biyaya. Ngunit, mga materyal na bagay lamang ito, kung saan ay madaling mawala. Kaya naman mas mahalaga ang maging mapagbigay sa kapwa at sa mga taong nangangailangan. At kapag nga, ito’y ibinahagi sa iba ay mas lalo pang pagpapalain ang taong taglay ang mabuting puso. Ito’y isang magandang asal na turo ng mag-asawa sa kanilang mga anak, at makikita naman na ginagawa nila ang magandang kaugalian na ito.

“As much as possible, kami ni Ry [Ryan], we try to tell them na whatever we have is a blessing. So we also share. We share what God has given us because everything we have now is temporary. The material things are just there so you can buy it anytime and you can give it away.”

Photo credits: Judy Ann Santos | IG

Binigyang diin naman ni Juday na ang madalas nilang sabihin sa kanilang mga anak na ang permanenteng bagay sa mundo ay ang pamilya.

“The only thing that is permanent is family.”

Photo credits: Judy Ann Santos | IG

Ibinunyag rin ni Juday sa panayam, na pagdating sa pagbabudget ay naglalaan siya ng tatlong bagay para hatiin ang kita nilang mag-asawa. At dapat nga ay may nakatabi para sa family expenses, personal expenses at importante na may savings rin.

“Expenses sa house, suweldo ng mga angels [househelp],” tuition, insurance, and travels fall into the family expenses category.”

Ibinahagi naman ni Juday, na ang masasabing personal niyang luho ay ang paggrogrocery dahil hindi naman daw siya mahilig bumili ng mga mamahaling sapatos at bag.

Samantala, ang asawa naman niyang si Ryan ay hinayaan niyang bumili ng gusto nitong sasakyan, basta’t may nakatabi ng pera para sa kanilang pamilya mula sa kanilang mga sahod.

“Hindi isyu kung bumili si Ryan ng kotse basta may entrega.”

error: Content is protected !!