Connect with us

Entertainment

Donnalyn Bartolome, Hindi Napigilang Maging Emosyunal sa Kanyang Sports Car Reveal Vlog

Hindi naman maikakaila na bilang isang sikat na singer, aktres, at vlogger ay sadyang napakaraming tao ang humahanga at sumusuporta kay Donnalyn Bartolome. Kaya naman, hindi rin siya tumitigil na mabigyan ng kaligayahan ang kanyang mga tagahanga.

At ngayon nga, isa si Donnalyn sa pinakasikat na Youtuber sa bansa, na kung saan ay may 6.64 Milyong subscribers na ang kanyang Youtube Channel. Sa loob ng ilang taong pagiging vlogger, ay talaga nga namang ipinapamalas ni Donnalyn ang kanyang husay sa pagbibigay saya sa kanyang mga tagapanood. Dahil nga dito, ang kanyang mga vlog ay madalas mag-viral, o kaya naman ay umaaabot ng libo-libong views.




Hindi nga akalain ni Donnalyn ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon, dahil hindi rin naging madali ang kanyang mga pinagdaanan. Kaya naman, sa kanyang latest vlog na sports car reveal ay hindi na niya napigilan pa ang maging emosyunal, nang balikan niya kung paano siya nagsimula nang pasukin ang showbiz.

Sa latest vlog ni Donnalyn, ay ipinakita niya ang isa sa bunga ng kanyang pagsisikap. Isang napakagandang sports car, na kulay pink Porsche na kanyang nabili mula sa perang kanyang pinaghirapan.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube Channel

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube Channel

Ibinahagi ni Donnalyn na kahit nais niyang makabili ng isang mamahaling sasakyan noon, ay hindi niya magawa dahil mas inuuna niyang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya. At ngayon nga, sa wakas ay nabili na rin niya ang matagal na niyang pangarap na sports car.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube Channel

Dahil nga, bagong bili ang sports car ay nais rin niya itong bigyan ng pangalan. At ang naisip niya ay “Daphne”, ngunit hiningi pa rin ni Donnalyn ang opinyon ng mga netizens kung ano ang mas bagay na pangalan sa kanyang bagong sasakyan.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube Channel




Matapos ikwento ni Donnalyn ang kanyang hirap na pinagdaanan upang makamit ang mga pangarap na inaasam sa buhay, ay nagbigay rin siya ng inspirasyon sa kanyang mga tagahanga. Pahayag nga ng singer at vlogger, ay magtiwala lang sarili na gaano man kahirap ang daan patungo sa tagumpay. At tiyak na maisasakatuparan ito kapag nagpatuloy sa pagsusumikap, at hindi sinukuan ang mga pangarap.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube Channel

Mas lalong pinahanga ni Donnalyn ang kanyang mga tagahanga sa panibagong tagumpay na kanyang nakamit. Sa nasabing vlog na mapapanood sa kanyang Channel, ay bumuhos ang mga positibong komento na puno ng paghanga mula sa kanyang mga viewers na kanyang nabigyan ng inspirasyon sa buhay.

error: Content is protected !!