Connect with us

Entertainment

Donita Rose Masayang Nagtatrabaho Bilang Isang ‘Chef’ Ngayon sa Research and Development sa Los Angeles

Si Donita Rose Cavett ay isa sa dating TV host-singer-actress na naging kilala at popular sa showbiz nong dekada 90. Isa siya sa mga naging VJ sa MTV Asia noon, at naging host din siya ng morning talk show ng ABS-CBN na ‘Umagang Kayganda.’

Samantala halos ilang taon na rin na hindi na naging aktibo pa sa telebisyon si Donita hanggang sa lumabas na nga lamang ang balita na ito ay nagbalik Amerika na.
Matatandaan na anim na buwan na ang lumipas ng magbalik sa bansang Amerika si Donita, kung saan ay dito nga niya nahanap at natupad ang karera na matagal na niyang pangarap.

Sa isang vlog nga ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto, ay ibinahagi nito ang naging pagkikita nila ng co-star niya noon sa ‘Ober Da Bakod’ na si Donita Rose sa Burlingame, California. At sa vlog nga na ito, ay i-chinika ng dating TV host-singer-actress kay Rufa Mae, na ito ay magtutungo na sa Los Angeles at nakapaghanap na rin ng trabaho bilang isang chef.

“It’s been six months for me here in States and nu’ng una medyo mahirap pero ngayon medyo masaya na ulit. I’ve been spending time with my family and I’m moving to LA and I have a job”, ang naging sey ni Donita.

Aminado nga si Donita na noong una ay hindi naging madali ang buhay niya sa Amerika, pero dahil naroon ang kanyang pamilya at nakasama niya ang mga ito, ngayon nga ay maayos na ang buhay niya lalo pa’t may trabaho na siya.

“So you are you looking at a Chef for Research and Development’, dagdag pa ni Donita.

Samantala, sa isang vlog naman ni Rufa ay ibinahagi ng komedyante ang inihanda niyang despidida party sa kaibigang si Donita.

Taong 2013 ng ibahagi ni Donita Rose sa isang panayam sa kanya ng ABS-CBN News kung bakit nagdesisyon siya na manirahan na sa Amerika, kung saan siya nagtrabaho noon bilang isang chef sa Kumi Restaurant sa Mandalay Bay na matatagpuan sa Las Vegas Nevada.

Sa panayam rin na ito, sinabi ni Donita na handa na siyang talikuran ang kanyang karera sa mundo ng showbiz, upang magpokus na nga sa pagiging isang chef.

error: Content is protected !!