Connect with us

Entertainment

Dominique Cojuangco, Masayang Ibinahagi ang Romantic Moment Nang Mag-propose Sa Kanya Ang Kanyang Fiancee Na Si Michael Hearn

Masayang ibinahagi ng anak nina Gretchen Barretto at business tycoon na si Tonyboy Cojuangco, na si Dominique Cojuangco ang romantic moment kung paanong nag-propose ang kanyang fiancee na si Michael Hearn.

Isang linggo ang makalipas matapos ianunsyo ng fashion designer na si Dominique na siya’y engaged na sa kanyang boyfriend, at kamakailan lamang ay ipinasilip naman niya ang nakakakilig na tagpo nang mag-propose sa kanya si Michael.

Sa kanyang Instagram, ay ibinahagi ni Dominique ang isang larawan kung saan makikitang nakaluhod sa kanyang harapan si Michael habang isinusuot sa kanyang kamay ang kanyang engagement ring. Makikita naman ang masayang ngiti ni Michael sa larawan nang hingin nito ang kamay ng nobya para alukin ng kasal. Ang nasabing larawan, ay nilakipan naman ni Dominique ng simpleng caption ng heart at fire emoji.

Photo credits: Dominique Cojuanco | IG

Samantala, ibinahagi rin ni Michael sa kanyang Instagram ang kanilang romantic moment sa naganap na engagement. At ayon nga kay Michael, ay “on the spot” ang kanyang naging proposal na naganap sa lugar kung saan sila muling pinagtagpo ng tadhana matapos ang maraming taon. Bagama’t, hindi nabanggit ang eksaktong lokasyon, ay kinumpirma naman ni Michael na sa Manila naganap ang kanilang engagement.

Matatandaan na ika-14 ng Oktubre nang unang ianunsiyo niDominique ang engagement nila ni Michael. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Dominique ang larawan kung saan makikita ang kanyang napakaganda at kumikinang na diamond engagement ring.

Photo credits: Dominique Cojuanco | IG

Nilakipan naman ni Dominique ang nasabing larawan ng simpleng caption na “For life”.

Samantalang sa Instagram naman ni Michael, kalakip ang sweet photos nila ni Dominique, ay naglagay naman siya ng caption na,

“On to the next chapter with Dominique.”

Marami naman ang natuwa sa mga kaibigan ni Dominique at sikat na celebrities sa showbiz, sa bagong milestone ng fashion designer kasama ang fiancee nitong si Michael. Ilan nga sa mga nagpaabot ng pagbati ay sina Sofia Andres, Ria Atayde, Isabelle Daza, Liz Uy, BJ Pascual, Raymond Gutierrez, Kiana Valenciano, Dominique Roque, at Iza Calzado.

Ang ina naman ni Dominique na si Gretchen, ay nagbahagi rin ng isang post sa Instagram patungkol sa pagpapakasal ng kanyang anak. Ayon nga kay Greta, ay hindi siya makapaniwala na sa edad niyang 51, ay pagpaplanuhan na niya ang kasal ng kanyang anak.

“I don’t know where and how to start (I never had one and never planned one ever). Tony has reminded me multiple times to allow our child to enjoy the process of planning.”

Photo credits: Dominique Cojuanco | IG

Si Dominique ay isang fashion designer na nagtapos bilang magna cum laude sa Fashion Institute of Design and Merchandising (FIDM) sa California. Bago naman magkamit ng degree in Associate of Arts degree in Merchandising and Marketing at FIDM, ay kumuha siya ng fashion design sa Istituto Marangoni in London.

Maliban naman sa pagiging mag-fiancee, ay mag-business partners rin sina Dominique at Michael. At nitong taon lamang nga, ay kanilang itinayo ang The Collective, isang skincare line na ang layunin ay “demystify skincare and beauty” para mapadali sa kanila na makamit ng karamihan ang inaasam na kagandahan.

error: Content is protected !!