Connect with us

Entertainment

Dominic Roque, Aliw na Aliw sa Mga Bata, Inamin na Gusto Na Ring Magkaanak

Kinilig ang mga tagahanga ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos sabihin ng aktor na gusto na niyang magkaanak. At tila nga nasa plano na rin talaga ng magkasintahan ang lumagay sa tahimik at bumuo ng kanilang sariling pamilya.

Credits: Bea Alonzo | IG

Kamakailan lamang nang maging guest ang aktor na si Dominic Roque kasama ang kapatid nitong si Anthony sa live selling video ng Angrydobo. Sa mga hindi nakakaalam ang Angrydobo ay restautant business ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kung saan ay naghahain ng masarap na putahe lalo na ng adobo.

Makikita na habang naka-live ay binati ni Anthony ang kanyang mag-ina. Kaya naman, nagawa ring magbiro ni Ryan at sinabi na hihiraman daw muna nila ang kanilang Daddy Mark. Habang naka-live selling, ay napasarap rin ang kanilang kwentuhan kung saan nga ay bida ang anak ni Anthony na si Claudia. At ayon nga kay Dominic, ay madalas niyang makakulitan ang kanyang napakacute na pamangkin sa face time at video call.

Credits: Bea Alonzo | IG

Ibinunyag naman ni Ryan na ang magkapatid na Roque ay mahilig talaga sa mga bata. At hindi naman maitago ni Dominic na talagang aliw na aliw siya sa mga bata. Kaya naman, biglang sinabi ng aktor na gusto na raw niyang magkaanak ay nagulat naman ang kanyang kasama sa live selling, at napatawa nga ng malakas.

“Alam niyo, ‘tong Roque brothers, sobrang hilig talaga nila sa mga bata,”pahayag ni Ryan.

“Gusto ko na nga rin eh,”biglang singit Dominic.

Credits: Angrydobo Ph

At ito nga ay naghatid ng kakaibang kilig sa mga tagahanga ng BeaDom. Bagama’t nitong mga nakaraang buwan lamang inamin ng magkasintahang Bea at Dominic ang tunay na estado ng kanilang relasyon, ay marami naman ang masaya para sa kanila at umaasa na sila na talaga ang itinadhana para sa isa’t isa.

Samantala, matatandaan naman na minsan na ring inamin ng aktres na si Bea na gusto na rin niyang magkaroon ng sariling pamilya at magka-baby. Sa isang vlog nga ni Ethel Booba ay naging diretsahan ang naging pahayag ni Bea naiinggit siya sa mga kasabayan niya sa showbiz na kaedad niya dahil ang mga ito’y may sarili nang pamilya at anak, pero siya hanggang ngayon ay hindi pa nakakapag-asawa.

Credits: Bea Alonzo | IG

“Gusto ko na magka-baby,” maikling tugon ni Alonzo sa panayam kay Ethel. “Kaya sinasabi ko na sa universe, baka sakaling pagbigyan ako.”

Ibinahagi rin ni Bea sa nasabing vlog na sana raw sa loob ng tatlong taon ay magawa na niyang lumagay sa tahimik at makabuo na ng sariling pamilya.

“Gusto ko in 3 years. Kung ako ang tatanungin, if it were up to me, gusto ko 3 years. Pero syempre di nga natin alam ang ano ng buhay,”saad ni Bea.

error: Content is protected !!