Connect with us

Entertainment

DJ Loonyo, Nakapagpatayo na ng Bahay Para sa Kanyang Ina Bunga ng kanyang Pagsisikap, Ilang Taon Matapos Mawalan ng Bahay Dahil sa Pagbabayad ng Utang ng Pamilya

Si Rhemuel Lunio o mas kilala ng lahat bilang si DJ Loonyo ay isang professional dancer na talaga namang hinahangaan ng lahat ang husay niya sa pagsayaw. Si DJ Loonyo, ay tubong Cagayan De Oro, ngunit nagpasyang lisanin ang kinalakhang probinsiya upang hanapin ang tagumpay ng buhay sa Maynila.

Sa panayam nga ng Pep.ph kay DJ Loonyo, ay binalikan ng mahusay na dancer ang kanyang buhay noon, bago pa man niya marating ang tinatamasang buhay ngayon kung saan, bukod sa kasikatan, ay nakapagpatayo na rin siya ng bahay para sa pagreretiro ng kanyang ina, matapos ang maraming taon na mawalan ng bahay dahil sa pagbabayad ng utang ng kanilang pamilya.

Inilarawan ni DJ Loonyo ang kanyang sarili bilang isang probinsyano na malaki ang pagnanais na matulungan ang kanyang pamilya na magkaroon ng maayos na buhay nang nagsisimula pa lamang siya sa kanyang karera bilang professional dancer sa Manila.

Hindi naman naging madali ang kanyang napagdaanan, dahil sa mga taong nanhamak sa kanyang pagkatao, at mga pagsubok na kanyang kinaharap. Ngunit, dahil nga sa kanyang pagtitiwala sa Diyos na sinamahan niya ng taos pusong pagdarasal, at kanyang pagsisikap ay nakamit niya ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng bahay para sa kanyang ina.

Matapos nga ang halos walong taon na walang matinong bahay, at palipat lipat ng tirahan, ay hindi sumuko sa buhay si DJ Loonyo, bagkus ay nagpatuloy siyang tuparin ang kanyang pangarap para sa kanyang pamilya.

“Ang pinaka-back story ko talaga, I just wanna help my family back in the province in Cagayan de Oro. Sabi ko, ‘Pupunta ako sa Manila to make it happen. I wanna buy a house for my family, put up a business for them. Yun talaga ang pinakahugot ko. “Eight years in the making. Ang dami ko pinagdaanan talaga na bagsak na challenges sa buhay. Alam mo yun? Typical probinsyano, wala kang matirahan, so palipat-lipat ka lang ng bahay.”

Pagbabahagi pa nga ni DJ Loonyo, ay matinding hirap ng buhay ang kanyang naranasan magmula ng pumanaw ang kanyang ama noong maliit pa lamang siya.

At dahil nga sa pagkakasakit ng kanyang ama noon, ay nabaon sila sa utang kung saan ay ibinenta nila ang kanilang bahay, para lamang mabayaran ang utang ng kanilang pamilya. At nagpasya na mangupahan na lamang habang patuloy na kumakayod ang kanyang ina bilang midwife.

“HINDI PO KAMI MAYAMAN, at pinalaki kami ng Butihin at napakabait kong MAMA sa sariling kayod as MIDWIFE. Back story: Nung nagkasakit ang papa ko at ngayo’y nasa kamay na ni AMA, nawalan kami ng bahay dahil sa gastos sa pagpapagamot at bayad sa utang. From then, nangupahan kami at patuloy na kumayod ang mama ko para lang mapag-aral kami.”

Dahil nga sa kanyang pangarap, ay hindi siya tumigil. Hanggang sa bumuo siya ng dance group noong 2016 na pinangalanang Rockwell. At dumating na nga ang big break sa buhay ni DJ Loonyo ng magwagi ang Rock Well sa isang dance competition sa Croatia noong 2018.

Lalo namang sumikat si DJ Loonyo, dahil sa collaboration nila sa isang vlog ng sikat na aktres at singer na si Ivana Alawi. Magmula nga noon, ay nasilayan na rin si DJ Loonyo sa telebisyon, at napanood rin ang kwento ng kanyang buhay sa Magpakailanman.

Lahat nga ng paghihirap ni DJ Loonyo, ay nagbunga na. At nito lamang ika-29 ng Abril, ay isang mahabang post ang kanyang ibinahagi kung saan makikita ang bagong bahay na kanyang ipinatayo para sa kanyang ina sa kanilang probinsya sa Cagayan de Oro. Labis nga ang pasasalamat ni DJ Loonyo sa Diyos, dahil ang kanyang pangarap ay natupad na.

“So, nag-push nang nag-push talaga. Hanggang sa yung dream ko na mabilhan ng bahay yung family ko, mabigyan ng business yung family ko, dun talaga nagsimula.”And I believe with great intentions, dun ka ibe-bless ni God. Hindi ka niya papabayaan.”

error: Content is protected !!