Connect with us

Entertainment

Direk Ramsay, Ibinibenta Ang Tatlo Niyang Luxury Cars; Isang Netizen, Inakalang Naghihirap Na Siya

Published

on

Sino nga ba ang hindi hahanga sa taglay na kakisigan ng aktor na si Direk Ramsay? Hindi maikakaila na isa siya sa mga hinahangaan at kinakikiligan ng mga kababaihan. Bukod sa taglay niyang gwapong mukha at makisig na pangangatawan, maipagmamalaki rin ang kanyang husay at talento sa pag-arte sa industriya ng showbiz.




Hindi naman maikakaila na naabot na nga niya ang tagumpay na minimithi sa kanyang buhay. Kitang-kita naman na ang bunga ng kanyang sipag at pagsusumikap sa kanyang trabaho bilang artista ay kanyang tinatamasa ngayon. Kagaya na lamang ng magandang bahay, mamahaling sasakyan at ibang ari-arian ay mayroon na siya.

Ngunit, kamakailan lamang nang maging usap-usapan si Direk sa social media dahil sa post niya tungkol sa pagbebenta ng kanyang mga luxury cars. Hindi lamang dalawa, kundi tatlong luxury cars ang binibenta ni Direk, isang Ferrari, isang Rolls Royce at isang Aston Martin DB11. Ngunit, ang bawat halaga ng sasakyan ay sadyang nakakalula, at ayon sa Google ang Aston Martin DB11 ay nagkakahalaga umano ng mahigit P10,000,000.

“Time to sell my toys. Message me if interested”,

caption sa post ni Direk.

Ang mga mamahaling sasakyan na ibinibenta ni Direk ay talagang magagandang klase ng mga sasakyan. Ang Ferrari F12 Berlinetta kung saan ay pinapatakbo ng 6.3-liter V12 na may 730hp at 690Nm. Isa pang bagay na importante rito ay ang bilis na 0-100kph time of 3.1sec at kayang-kayang humarurot sa bilis na 340kph. Sumunod naman ang Aston Martin DB11, ang unit naman na ito ay isang V12 version na may kapasidad na 599hp at 700Nm. Hindi naman magpapahuli ang Rolls-Royce Ghost, na may 6.6-liter twin-turbo V12 na nakakapaglikha ng 563hp at 820Nm.

Talaga nga namang hindi basta-basta ang mga laruang ito ni Direk na may nakakalulang halaga.




Ngunit, kasabay naman ng pagbebenta ng mga luxury cars ni Direk, ang mainit-init na isyu ng pagsasara ng Kapamilya Network. Kung kaya’t, may isang netizen na walang ideya tungkol sa karera ni Direk ang nagkomento sa post ng aktor at sinabi:

“ilang araw palang na nagsara ibebenta mo na yang mga yan? Wala ka na ba agad pera?”

Agad namang sinagot ng aktor ang paratang na ito ng netizen at sinabi:

“im with GMA dude. Pag nagbenta wala na agad pera?? Hay nako”

Matatandaan na ganap nang naging Kapuso si Direk noong April 2019, nang pumirma siya ng kontrata sa ilalim ng pangangasiwa ng GMA Kapuso Network. At ang una niya ngang naging proyektong teleserye ay kasama ang girlfriend niyang si Andrea Torres. Dahil na rin sa ipinapakitang pagsuporta ni Direk sa Kapamilya Network, marami ang nag-aakala na siya ay bahagi pa rin ng nasabing Network.

error: Content is protected !!