Connect with us

Entertainment

Dina Bonnevie, Natagpuan Na Ang Tunay Na Pag-ibig Sa Taong Nagbibigay Ng Kaligayahan Sa Kanya Ngayon

Published

on

Hindi lahat ay mapalad na matagpuan kaagad ang tunay at wagas na pag-ibig. Ang ilan nga sa atin ay makakaranas muna ng kabiguan at kalungkutan bago tuluyang maranasan ang tamis ng pag-ibig. Ngunit, sa kabila ng pagkabigo ay hindi tayo sumusuko at muling sumusubok na magmahal muli.

Dahil sa muling pagbubukas ng ating puso ay may itinakda ang tadhana na taong papawi ng ating kalungkutan at pagkabigo sa ating buhay pag-ibig, at ang taong ipinagkaloob ng Panginoon ang siyang magbibigay ng kaligayahan at labis na pagmamahal na ating inaasam. Na sa wakas, ang hinagpis at pait ng pag-ibig na ating naranasan ay mapapalitan ng walang hanggang kaligayahan na punong-puno ng pagmamahal.




Ang kwento nga ng buhay pag-ibig ni Dina Bonnevie ay mahahalintulad sa nabigong pag-ibig ngunit sa huli ay kanya namang natagpuan ang isang wagas at tunay na pag-ibig sa taong nagbibigay ng kaligayahan sa kanya ngayon.

Marahil ang ilan sa atin ay nasubaybayan na ang buhay pag-ibig ni Dina, kung saan nagsimula sa masayang pag-ibig, na nauwi sa pagkabigo, muling umibig at nabigo na naman sa pangalawang pagkakataon ngunit sa huli ay nakamtan na ang tamis ng tunay pag-ibig.

Una ngang naging masaya ang puso ni Dina sa piling ng aktor at komedyante na si Vic Sotto na kung saan ay nauwi sa pag-iisang dibdib, ngunit ang hinahangad nilang kaligayahan bilang mag-asawa ay agad nagwakas at nauwi sa hiwalayan. Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga naman ng dalawang supling, sina Danica Sotto at Oyyo Boy Sotto.

Bagama’t naranasan na ni Dina ang pagkabigo sa unang pagpapakasal kay Vic, hindi naman siya sumuko at muling binuksan ang pusong magmahal muli. At noong 1996 nga, muli na naman siyang ikinasal kay Ricardo Penson, isang business executive at social activist. Ngunit, kagaya ng una niyang marriage, hindi pinalad si Dina na makamtan ang hinahangad na kaligayahan dahil ang kanilang pagsasama ay hindi rin nagtagal at nauwi lang din sa paghihiwalay matapos ang tatlong taon.

Dalawang beses man ang naranasang kabiguan sa buhay pag-ibig ni Dina, hindi ito naging hadlang sa kanya upang magpatuloy sa buhay at muling buksan ang kanyang puso sa panibagong pag-ibig na darating sa kanya.

Hindi naman nabigo ang aktres dahil sa pangatlong pagkakataon, muling tumibok ang kanyang puso. Ngunit, sa pagkakataong ito ay tila tunay na pag-ibig na pang walang-hanggan na ang kanyang natagpuan sa katauhan ni Ilocos Sur Representative Deogracias Victor Savellano na isa sa mga Deputy Speaker ng House of Representatives.




Masaya ngang ikwinento ni Dina ang love story nila ni DV (Deogracais Victor) nang siya ay makapanayam sa programang ‘Magandang Buhay’ sa Kapamilya Network. Ayon kay Dina, ang unang pagkikita umano nila ay naganap sa opisina ni DV nang mag-shooting sila ng pelikula. Doon na nga nagsimula ang madalas nilang pagkikita. Dahil na rin sa business project nila sa Ilocos naging madalas na rin ang kanilang pagsasama.

Ngunit, sa kabila ng pagpapahiwatig at pagpapakita ng interes ni DV kay Dina, hindi agad nito nakuha ang puso ng aktres. Ngunit sadyang tunay ang pag-ibig na alay ni DV para kay Dina at hindi ito sumuko sa panunuyo sa aktres.

Hindi naman nagtagal, ang pagsusumikap ni DV na makuha ang puso ni Dina ay naisakatuparan at kanya ngang nakuha ang matamis na sagot ng pag-ibig ng aktres. Noong 2012 nga, naganap ang pag-iisang dibdib nilang dalawa sa Antipolo Regional Trial Court sa isang civil wedding.




Ngunit, bago pa man napasagot ni DV si Dina, may mga nakakakilig na kaganapan pang pakulo si DV, makuha lamang ang puso ng aktres. Ito nga ay naganap sa kaarawan ni Dina nang siya ay surpresahin ni DV ng isang birthday treat.

Ayon sa kwento ni Dina, nasa shooting siya ng isang pelikula nang i-set up siya ng buong crew at kasabwat pala rito ang kanyang anak na si Danica. Nang bigla namang sumulpot si DV at kinantahan siya ni DV ng Ilocano version ng kantang “Ikaw”. At ito na nga ang tamang oras upang ipagtapat ni DV ang kanyang pag-ibig sa aktres.

Labis naman ang kaligayahan ng mga tagahanga ni Dina sa natamo niyang pag-ibig kay DV dahil matapos ang magkakasunod na pagkabigo sa pag-ibig, sa wakas ay natagpuan na niya ang isang tunay at wagas na pag-ibig sa katauhan ng asawa niya ngayon.

error: Content is protected !!