Connect with us

Entertainment

Dimples Romana, Sinurpresa ng Isang Baby Shower ng kanyang Pamilya at mga Matalik na Kaibigan

  • Sinurpresa si Dimples Romana ng kanyang mga pamilya at kaibigan ng isang baby shower.
  • Sobra ang pasasalamat ni Dimples sa kanyang pamilya at mga kaibigan matapos itong surpresahin ng isang simple pero napakasayang baby shower.

Last tuesday, June 7 nakatangap ng masayang surprise baby shower galing sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ang aktres na si Dimples Romana.

Ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Dimples na nakita sa venue ay ang kanyang mga matatalik na kaibigan na sina Angel Locsin at Bea Alonzo. Sa ibinahaging post ni Dimples ng isang larawan kasama si Angel at Bea, ibinahagi nito kung gaano siya ka swerte na naging kaibigan niya ang dalawang ito.

“How did I become this blessed to have the most amazing friends/ sisters in this lifetime
Will share more from tonight’s EPIC festivities bukas.
I’ll just have to make sure, Hindi ako nananaginip
Mahal na mahal na mahal ko kayong dalawa. And to everyone who made time to be part of the Baby Shower Surprise and made tonight one of the most memorable nights of our family’s life, SALAMAT To those who weren’t able to make it but were also in on the surprise, THANK YOU! I love you all so so much ♥️♥️♥️” – ibinahagi ni Dimples sakanyang instagram account.

Sa isang larawan naman makikitang kumpleto muli ang pamilya ni Dimples matapos kamakailan lang ay umuwi ang kanyang panganay na anak na si Callie galing Australia.

Ilan naman sa mga malalapit na kaibigan ni Dimples Romana maliban kina Angel at Bea na umattend sa nasabing surprise baby shower ay sina Kim Molina, Jerald Napoles, Janus Del prado at Ahron Villena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)

Samantala kasama naman nila Angel Locsin at Bea Alonzo ang kanilang mga partner na sina Dominique Roque at Neil Arce.

Sa isang video clip naman na ibinahagi sa instagram account ng isa sa mga kaibigan ni Dimples, makikitang kumakanta sa stage si Bea Alonzo.

Walang hanggan naman ang pasasalamat ni Dimples Romana sa mga taong nasa likod ng surpresang ito, lalong lalo na sa kanyang mga pamilya at matatalik na kaibigan. Nagpasalamat din si Dimples sa mga followers niya na laging anjan at nakasubaybay sa journey ng kanyang pagbubuntis.

Silipin ang ilan pa sa mga naging kaganapan sa surprise baby shower ni Dimples Romana na may nakaka goodvibes na venue.

error: Content is protected !!