Connect with us

Entertainment

Dimples Romana, Pinahanga ang mga Netizens sa Kanyang New Look Matapos Pakulayan ang Buhok ng Pink

Dahil sa kanyang nakakabilib at kahanga-hangang pagganap sa teleserye ng ABS-CBN na Kadenang Ginto, ay pinatunayan ng Kapamilya actress na si Dimples Romana, na kayang-kaya niyang gampanan ang anumang role at proyekto ang ibibigay sa kanya.

Sa kanyang husay nga, ay mas lalo pang nakilala ng publiko ang kanyang pangalan. At matapos patunayan ang husay sa pag-arte sa Kadenang Ginto, ay tila nagbigay naman ng hint ang talentadong aktres sa bagong role na kanyang gagampanan na kung saan ay muling mag-iiwan ng bakas sa kanyang mga manonood at tagahanga.




Ito nga ay matapos ipakita ni Dimples ang kanyang new look para sa pagsisimula ng taon. Noong ika-3 ng Enero, araw ng Martes, nang ibahagi ng 36-taong gulang na aktres ang kanyang mga larawan sa Instagram kung saan makikita ang kulay pink niyang buhok na bagay na bagay sa maganda niyang mukha.

Ayon naman sa caption ng kanyang post, ay cute umanong tingnan ang kanyang kulay pink na buhok. At tila bagay umano ito sa kanyang magiging bagong proyekto.

“Felt cute might delete never maybe this look for another project? #DimpsTips2021 for Day 3, refuse to be put in a box. Explore, discover and release your inner fierce boss lady.”

Samantala, hindi naman nakaligtas sa mga kaibigan ni Dimples sa showbiz ang purihin siya sa kanyang agaw pansing mga larawan. Marami nga ang nagsabi sa mga ito na bagay sa aktres ang kulay na buhok at lalo itong gumanda. Ilan sa mga nagbigay ng kanilang komento ay sina Julia Montes, Lara Quigaman, at marami pang iba.

Sagot ng aktres sa komento ng username na katgalang sa kanyang post, na nagsabing ang ganda ng aktres, ay baka kailangan niya ng ganung kulay na buhok kung sakaling magkaproyekto siya ngayong taon.

“Baka this 2021 magkaproject ako that needs me to color this way haha”,saad ni Dimples.

Saad naman ni Kim Molina, ay nagustuhan nito ang new look ni Dimples. Dagdag pa nito, ay handa na silang mag K-Pop.

“I LOOOOVEEE IIiTTT!!! READY NA PO KAMI MAG K-POP DANISAVYY DOU”,saad ni Kim.




Maging ang mga netizens, ay kinaaliwan at hinangaan ang new look ni Dimples na talaga namang napakaganda. May nagsabi pa nga na tila wala itong dalawang anak, dahil sa angking kagandahan.

Ngunit makalipas ang ilang araw ay ibinalik niya ang dating kulay ng kanyang buhok dahil pinaghahandaan niya na ang parating niyang proyekto sa MMK at teleserye.

“Going back to my dark hair color in preparation for MMK and teleserye 🤗 a blessing filled 2021 indeed 💝 Maraming Salamat my love @iamantoniopapa for taking care of my hair and @asiaslashes for my work up like this, on fleek eyelashes 💐👌🏻 #DimpsTips2021”

error: Content is protected !!