‘Dimples Romana’ Nagrelax Sa Dubai At Abu Dhabi Kasama Ang Pamilya at Malalapit Na Kaibigan

Sa kanyang nakakataas na kilay na kamaldatihan at nakakainit sa ulong katarayan. Sinung manunuod ang hindi matatangay sa galing ng nag-iisang “Daniela Mondragon” ng patok na teleseryeng ‘Kadenang Ginto’.

Sa bawat eksenang masisilayan natin si ‘Dianne Marie Romana Ahmee o mas kilala natin bilang Dimples Romana, tunay na kabilang na siya sa mga kasalukuyang premyadong kontrabida sa industriya ng showbiz.

Sa kanyang natatanging pagganap bilang palabang asawa ni ‘Carlos Bartolome’ at kunstindorang ina ni ‘Marga’ na handang ipaglaban ng sampalan ang karapatan ng kanyang pamilya.



Kung gaano kahalaga sa kanya ang pamilya sa harap ng kamera, mas higit ito sa totoong buhay kung saan mahal na mahal niya ang mga anak na sina Callie at Alonzo gayundin ang asawang si Boyet Ahmee.

Sa katunayan kamakailan lang ay muli niyang nakasama ang pamilya ng sila ay magpunta sa Dubai at Abu Dhabi. Nagkaroon ang aktres ng pagkakataon na makabonding ang mahal sa buhay pagkatapos ng maraming panahong hindi niya sila nakapiling dahil na rin sa sunod-sunod na mga proyekto sa Kapamilya Network.

Photo credits: dimpleromana | Instagram    

Ayon pa sa aktres “They have been super understanding and forgiving for the day’s I’m not home at talaga nilook forward ko ang linggong ito.. Today I am most grateful for my family. For these moments we’ll get together,”

Photo credits: dimpleromana | Instagram

Sa kanyang social media ibinahagi ng aktres kung gaano naging ka-hectic ang kanyang schedule sa loob ng dalawamput dalawang araw. Ayon pa “Swak na Swak” host ay kinailangan niyang mawalay sa pamilya ng tatlong linggo para sa kanyang mga sunod sunod na taping.



Photo credits: dimpleromana | Instagram

Kabilang dito ang Kapamilya teleserye na Kadenang Ginto gayundin ang nalalapit na pelikulang “The Mall the Merrier” kung saan makakasama niya ang Unkabogable Star na si ‘Vice Ganda’, na entry ng Star Cinema para sa taunang Metro Manila Film Festival.

Photo credits: dimpleromana | Instagram

Sa kabilang banda masayang masaya talaga ang 34 taong gulang na aktres sa panahong makasama ang pamilya maging ang malalapit na kaibigan sa kanilang pamamasyal sa Dubai. Makikita nga sa mga larawang ibinahagi niya sa kanyang Instagram ang masasayang sandali nila habang namamasayal sila sa Dubai.

Photo credits: dimpleromana | Instagram

Mula sa pagpunta nila mga sikat na kainan, sa isang magarang museum gayundin sa sikat na “Safari Dessert” kung saan sila nag-overnight upang sama-samang magstar-gazing.



Photo credits: dimpleromana | Instagram

Para sa Kapamilya artist ang nasabing ‘special moment’ na makasama ang mahal sa buhay ay mas higit pa sa mga pagpapalang nakakamit niya mula mga proyektong dumadagsa sa kanya sa kasalukuyan.