Connect with us

Entertainment

Dimples Romana, Nagkaroon ng Isang Surprise Baby Shower at Ibinahagi ang Magiging Pangalan ng Kaniyang Anak

Ilang buwan na nga ang nakakaraan nang gulatin ng aktres na si Dimples Romana ang publiko nang ibinunyag nitong buntis ulit ito sa kaniyang pangatlong anak. Inaasahan naman ang kaniyang panganganak sa kanilang baby boy ngayong paparating na buwan ng Hulyo.

Sa isang Instagram post ni Dimples at ng Nice Print Photography, ipinasilip nila ang ilang kaganapan sa isang surprise baby shower para kay Dimples. Glowing ang aktres sa kaniyang baby shower na may temang kulay asul. Talagang bagay na bagay ito para sa kanilang paparating na baby boy. Hindi rin mawawala sa okasyong ito ang mga malalapit na kaibigan ni Dimples.

Bukod sa ibinahaging napakasayang baby shower, ibinahagi rin ni Dimples ang magiging pangalan ng kanilang Baby Boy. Ayon kay Dimples, Elio ang kanilang napiling pangalan para sa kanilang anak. Mula umano ito sa isang salitang French na nangangahulugang, “My God is the Lord”.

Isa rin itong Italian variation ng pangalang, Aelius o Helios na isang Greek god. Dagdag pa ni Dimples, hindi naging madali ang pagpili ng pangalang ito at talaga namang ipinagdasal nila ito. Pagpapaliwanag pa niya,

“Nung nag-iisip kami ng name for Baby E, I had prayed for guidance and discernment in many of the aspects in my life. But one thing in my momma heart stuck and that was, even when we have been tested and challenged as a family, somehow everything around us still felt bright and sunny and warm. I guess when we feel we lack love and security the most, it is the love of a Father who overlooks our imperfections that comes shinning through. And we feel that from all the love showered on us by our family and closest of friends. I’m glad we found friends for keeps. So here’s to the brightest our lives will be with your coming my bright ray of sunshine, my little tornado Elio.”

Dahil sa naging matagumpay at napakasayang baby shower para kay Dimples, hindi niya nakalimutang pasalamatan ang mga taong nasa likod ng pagpaplano nito. Maging ang ilang mga kilalang personalidad ay natuwa rin sa baby shower na ito. Hindi rin naman nakalimutan ng kaniyang mga taga-suporta na batiin siya at ang kaniyang buong pamilya para sa nalalapit na pagdating ng kanilang Baby Elio.

error: Content is protected !!