Connect with us

Entertainment

Dimples Romana Magbibigay Ng Kakaibang ‘Regalo’ Sa Kasal Ng Kaibigang Si Angel Locsin

Published

on

Masasabing tunay na napakahalaga sa buhay ng isang babae ang maranasang humarap sa altar kasama ang taong makakasama niya ng panghabang buhay. Isang masayang pangyayari na dadaluhan ng buong pamilya at ng mga malalapit na kaibigan na masasabing kukumpleto ng natatanging okasyon.



Ibinahagi ng magandang aktres ng Kapamilya teleserye na “Kadenang Ginto”na si Dimples Romana ang mga natatanging plano sa kaibigang aktres na si Angel Locsin para sa nalalapit nitong pag-iisang dibdib sa nobyong si ‘Neil Arce’.

Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi ng 35 taong gulang na aktres ang ginagawa niyang paghahanda para sa bachelorette party ng magandang kaibigan na dadaluhan ng malalapit na babaeng kaibigan.

Samantala ayon pa sa dating “I-Shine Talent Camp” host hindi magiging katulad ng tipikal na bachelorette na kalimitan ay puro mga babae lang ang dadalo magiging kakaiba ito dahil imbitado din ang mga lalakeng kaibigan ni Angel.

At ayon pa sa Kapamilya actress,

“Nagreready na kami ng bachelorette. Pero kasi bilang rock star ang kaibigan ko –alam niyo naman si Angel, iba siyang klase na bride – so kaming nagre-ready ng bachelorette ay hindi lang puro babae”,
“So may mga friends siya na lalaki who are also part of her bachelorette. So ang saya lang. Ang cute ni Angel”.

Sa kabilang banda masayang masaya ang butihing aktres dahil sa magandang itinakbo ng relasyon nila Angel at Neil na ngayon nga ay ikakasal na,

“Alam mo natutuwa ako sa kanya kasi nandoon ako simula’t simula. Kumbaga na-witness ko ito, na-witness ko lahat ang pinagdaanan niya. So alam ko na aalagaan siya nang maigi ni Neil at alam ko na mahal na mahal siya ni Neil. Iniingatan siya”, pagbabahagi pa ni Dimples.



Samantala hindi naging madali kay Dimples kung anu ang maaring iregalo niya sa kasal ng “The General’s Daughter” actress dahil alam niyang hindi ito mahilig sa mga mamahaling kagamitan at ayon pa sa kanya ay totoong napakasimple lang ng kaibigan,

“Oh my God, ang hirap regaluhan ni Angel. Alam mo bakit? Sobrang simple niya. Di kasi siya mahilig sa magarbong gamit.

Matatandaang kamakailan lang ay personal na nagpunta ang “Darna” actress sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa ating bansa upang mamahagi ng tulong sa ating mga kababayan. Sa kabilang banda ang ginawang pagdodonate ni Angel ay umani ng maraming papuri mula sa mga netizen hanggang sa mga kilalang personalidad,

“As you know, nauuna ‘yang mag-donate. So kung ako, sa totoo lang, nakikita ko diyan baka kung cash ang ibibigay ko sa kanya, malamang sa malamang ido-donate niya rin. So ididiretso ko na. Sasabihin ko lang sa kanya, ‘Mars naibigay ko na ito sa ganito sa ganyan.’ Kasi ganun siya(Angel)”

pagpapaliwanag pa ni Dimples sa kung anu ang maari niyang ibigay sa kaibigan.

error: Content is protected !!