Connect with us

Entertainment

Dimples Romana, Ipinasilip Ang Napakagandang Bahay Na Tutuluyan Ng Kanyang Anak Na Si Callie Sa Australia

Bilang mga magulang nga ay bigay todo ipinapakitang pagsuporta ng mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee sa kanilang mga anak. Katulad na lamang nga ng kanilang pagsuporta sa pangarap ng kanilang panganay na anak na si Callie Ahmee.

CREDITS: Dimple Romana| IG

Si Callie ay 18 na taong gulang na ngayon, at kasalukuyang naka-enroll sa pangarap niyang paaralan. At ito nga ay sa isang aviation program ng Southern Cross University sa Australia. Pangarap ni Callie ang maging isang mahusay na piloto, at ito nga ay suportado ng kanyang mga magulang. Sa ngayon, ay nasa ilalim parin ng online classes si Callie dahil na rin sa pandemya.

CREDITS: Dimple Romana| IG

Ngunit, sa nalalapit na pag-alis ni Callie sa poder ng kanyang mga magulang, para manirahan sa Australia at doon na nga tuluyang mag-aral, ay inihanda na ni Dimples ang bahay na tutuluyan ng kanilang panganay.

Nito lamang ika-4 ng Marso nang ipasilip ni Dimples sa kanyang mga tagahanga ang bahay na tutuluyan ng kanyang anak na si Callie sa Australia. Makikitang ibinahagi ni Dimples sa kanyang Instagram account ang mga larawan na kuha sa napakagandang bahay kung saan tutuloy si Callie.

CREDITS: Dimple Romana| IG

Sa ganda ng bahay na ito, ay tila maihahalintulad ito sa isang bahay bakasyunan. Makikita sa mga larawan, na ang bahay na ito ay may white walls at ceiling habang ang sahig naman nito ay may wooden design. Napakaganda naman talaga ng bahay lalo na nga’t napapalibutan rin ito ng naglalakihang glass windows.

CREDITS: Dimple Romana| IG

Sa mga larawang ibinahagi ni Dimples na nagpapakita ng bawat bahagi ng property, ay makikita na may sarili rin itong swimming pool at mapapansin na malapit ito sa beach. Tiyak nga na mag-eenjoy si Callie sa nasabing lugar dahil bukod sa malawak at maganda, ay nakakarelaks rin dito.

CREDITS: Dimple Romana| IG

Samantala, sa caption naman ng kanyang post, ay pinasalamatan ni Dimples ang mga taong tumulong sa kanya para makahanap ng ligtas at maayos na lugar na tutuluyan ng kanyang panganay na anak na si Callie. Biro naman ni Dimples, ay tiyak na mamimiss ni Callie ang kanyang pamilya, lalo na nga ang mga lutong bahay na paborito nitong kainin.

CREDITS: Dimple Romana| IG

“Callie is smiling from ear to ear!! Tignan ko lang kung makangiti to ‘pag na-miss niya na kami at lutong bahay dito. With great pleasure comes great responsibility Hihi,”saad ni Dimples.

Hindi naman maitago ni Dimples sa kanyang mga salita ang tuwa at excitement sa magiging adventure ni Callie sa Australia habang malayo ang dalaga sa kanilang pamilya.

“While it is fun to be by yourself ate, you will also have to learn to do everything on your own! At excited ako sa non-stop calls mo, asking me how we cook sinigang, adobo, callos, sinangag. at madami pang Iba. Pati paano maglaba, magplantsa at maglinis. Ikaw na ito.”

CREDITS: Dimple Romana| IG

“Pag ganap na piloto ka na in 3 years, maalala mo ang lahat ng adventures at misadventures mo at sana maging masaya ang lahat ng memories na baon mong ikwekwento sa amin, anak!”

“And with your newfound path and journey of your own as a woman and as a young adult, may you always remember that none of this would ever be possible without the Lord’s grace and provision. Never stop looking up and kneeling down. Make a lot of mistakes, grow from there, cry over them and rise up stronger. You GOT THIS.”

error: Content is protected !!