Connect with us

Showbiz

Dimples Romana, Ipinasilip Ang Masayang Bakasyon Ng Kanilang Pamilya Sa El Nido, Palawan

Tuwing holiday season ay napakasarap naman talagang magbakasyon at magpahinga sa isang tahimik at napakagandang lugar. At upang maisakatuparan ito, ay kailangan muna nating iwan pansamantala ang ating mga trabaho.

Photo Credits to the owner

Kagaya na lamang nga ng aktres na si Dimples Romana na talagang naka-time out sa trabaho ngayong holiday season para makasama niya ang kanyang pamilya. Sinulit na nga ni Dimples ang sandaling makapagbakasyon nang matapos ang matagumpay na shooting ng kanyang teleseryeng “Viral Scandal”.

Photo Credits to the owner

At para nga sa kanilang masayang bakasyon ay nagpasya ang aktres kasama ang kanyang asawa na si Boyet Ahmee at dalawang anak na sina Callie at Alonzo na lumipad patungong El Nido, Palawan.

Ang kanilang masayang bakasyon sa mala-paraiso sa gandang lugar sa El Nido, Palawan ay ipinasilip ni Dimples sa kanyang Instagram account. Makikita nga na talagang enjoy na enjoy ang kanilang pamilya sa white beach ng Palawan.

Tila naman nasa isang beach mini photoshoot si Dimples sa magkakasunod na larawang kanyang ibinahagi, kung saan nga ay masisilayan ang lutang na lutang niyang glow at saya sa suot niyang white dress.

Photo Credits to the owner

Caption naman ni Dimples sa kanyang mga larawan,“Sea sand, salt and sun. This mommy is happy, now some cake please.”

Sa hiwalay namang post ng aktres ay makikita ang kanyang hanga-hangang El Nido tan skin na bumagay rin sa kanya. Nilakipan naman ito ni Dimples ng caption na:

“El Nido tan. Haven’t been this golden in a while…bagay naman?”

Photo Credits to the owner

Makikita rin ang masayang bonding moments nina Dimples at panganay niyang anak si Callie. At sa kanilang mother and daughter bonding ay enjoy na enjoy ang mag-ina. Tila naman bagets na bagets ang awra ni Dimples habang nakikipag-selfie sa kanyang panganay. Si Callie ay 18 taong gulang na, at kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo para tuparin ang pangarap niyang maging isang piloto.

Photo Credits to the owner

Wala naman talagang pinalampas ang kanilang pamilya para mag-enjoy sa mala-paraisong lugar ng Palawan. Maliban nga sa paliligo sa dagat, ay namasyal rin sila sa Big Lagoon sa El Nido. Sa taglay na ganda nga nito ay hahanga ang marami. Tulad nga ng bunsong anak ni Dimples na si Alonzo na talagang namangha sa gandang taglay lagoon. Ang nakakatuwang reaksyon nga ni Alonzo ay ibinahagi ni Dimples.

Photo Credits to the owner

Maliban sa kanyang pamilya, ay nakasama rin ni Dimples ang young actress na si Charlie Dizon na naging malapit na sa kanya nang sila’y magkasama sa teleseryeng Viral Scandal, kung saan ay gumanap itong anak niya.

Napakasarap naman talagang magbakasyon at magrelaks sa isang napakagandang lugar. Ngunit, higit na sasaya ito kapag kasama ang pamilya upang makabuo ng masasayang alaala.

error: Content is protected !!