Connect with us

Entertainment

Dimples Romana Ipinasilip ang kanyang Napakalaking Investment Property sa Alfonso Cavite na Bunga ng kanyang Paghihirap

Published

on

Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, ang iba sa atin ay nangangarap na magkaroon ng mamahaling gamit, magarang sasakyan o kaya naman ay isang malaking bahay. Masarap sa pakiramdam kapag lahat ng pangarap mo sa buhay at sa iyong mga minamahal, maliit man o malaki, ay unti unti mong natutupad lalo na kung lahat ng ito ay resulta ng iyong mga pagtyatyaga.



Madalas ito ay nakakatulong na lalo mo pang pagigihan sa iyong mga ginagawa at lalo mo pang pinapahalagahan ang iyong sarili. Madami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sariling bahay pero hindi ganun kadali ang bumili o magkaroon ng bahay dito sa ating bansa lalo na ngayon na halos taon taon ay tumataas ang presyo ng mga lupa. Napakaswerte mo nalang kung makakabili ka ng lupa na malapit sa syudad o sa matataong lugar sa mababang presyo at madalas ang nakakabili sa mga ganitong lugar ay mga artista.

Isa na nga sa mga artistang ito ay si Dimples Romana o mas kilala natin ngayon bilang si Daniela Mondragon-Bartolome na sikat bilang isang kontrabida sa patok ngayon na teleserya, ang kadenang GInto, ay minsan naring nangarap para sa kanyang pamilya.

Labing anim na taon ng kasal si Dimples at ang kanyang asawa at masaya ang kanilang pagsasama na kabaliktaran naman ni Daniela.

Si Dimples din ay isang mabuting asawa at ina sa kanyang magama at magaling din syang humawak o magbudget ng kanilang pera. Sa katunayan nyan, madami na syang nabiling mga lupa at pag-aari mula sa pera na kanyang kinikita sa pagaartista.



Isa sa dream paradise ni Dimples ang lupa sa Alfonso, Cavite na noong nakaraang taon nya lang din nabili.

Ang lupa ding ito ay isa sa resulta ng kanyang pagtyatyaga at pagtratrabaho ng maayos kaya naman napakahalaga din sa kanya ng lupang ito. Hindi naman maiwasan na matuwa at humanga ang mga kaibigan ni Dimples lalo na sila Angel Locsin at Bea Alonzo sa mga tagumpay na nakakamit nya sa kanyang buhay.

Hindi din naman nagpahuli si Tirso Cruz III sa mga payo nya kay Dimples ayon sa kanya, ” if she works hard especially if she has to pay for something, God will provide for her.



Talaga namang kahangahanga si Dimples sa mga tagumpay na patuloy nyang nakakamit, kaya naman maliit man o malaki ang biyayang ating natatangap, matuto pa din tayong magpasalamat sa ating Dyos na dahilan ng mga biyayang ating natatamo.

error: Content is protected !!