Connect with us

Entertainment

Dimples Romana, Ipinasilip Ang Kanyang Napakagandang Underwater Maternity Photoshoot

Ang 37 taong gulang na bitakang aktres na si Dimples Romana, ngayon nga ay nag-eenjoy sa kanyang pagbubuntis sa kanyang ikatlong anak. At kamakailan lamang nga ay ipinasilip niya ang kanyang ika-apat na maternity photoshoot na may temang tubig sa pangtatlong anak nito. Sa panibagong biyaya na dumagdag sa pamilya ng aktres, ay nagkaroon ang aktres ng apat na elemento ang air, fire, earth at water bilang tema sa kanyang maternity photoshoot.

Photo credits: Dimples Romana |IG

Sa pinakabagong post ni Dimples sa kanyang Instagram account ay makikita ang mga nakakamangha at naggagandahang pose ng aktres sa ilalim ng tubig. Tila sumang-ayon ang asul na tulle dress ni Dimples sa kulay ng tubig kaya’t nakakabighaning pagmasdan ang kanyang larawan sa nasabing Instagram post.

Photo credits: Dimples Romana |IG

Sa unang bahagi ng kanyang caption ay isinulat ni Dimples, “WATER The last of our four elements maternity shoot.”

Ang tubig na tema ang kumumpleto sa ika-apat na elemento at inaabangan ng mga netizens ang susunod na tema ng kanyang maternity photoshoot. Maliban sa magandang resulta ng photoshoot ay tila may nais ipabatid ang bawat larawan. At ito nga ay tila naglalarawan ng pakikipaglaban sa malalaking alon ng problema sa buhay.

Photo credits: Dimples Romana |IG

Ayon pa sa aktres,“Do you ever feel like you’re drowning and you can’t seem to find the light? May it be in love, in life, in desire. We all are fighting battles no one knows about.”

Ito ay isang paalala na kung anumang tahimik na laban ang meron tayo ay manatiling matatag sapagkat ang mga problema ay hindi permanente at may katapusan, magtiwalang ang mga ito ay malalagpasan rin.

Photo credits: Dimples Romana |IG

At ang mga katagang,“I pray today that whoever is reading this and is feeling the weight of the waves on your shoulder and you feel like giving up, STAY, KEEP FIGHTING, KEEP SWIMMING, we are part water anyway. DANCE with the waves”, na nagmula kay Dimples bilang kanyang panghihikayat sa mga netizens

Dagdag pa niya,“And as they say, let the waves carry you where the light cannot. Im with you in prayer.”

Photo credits: Dimples Romana |IG

Tunay nga na kahanga-hanga ang temang napili ni Dimples para sa kanyang maternity photoshoot. Ngunit, higit namang kahanga-hanga ang nilalaman ng temang ito na nais niyang iparating sa madla. Kung sakaling dumating tayo sa puntong pakiramdam natin nalulunod na tayo sa mga problema at walang malapitan huwag nating kalimutang meron tayong malalapitan ang Panginoon.

Hindi natin kayang salungatin ang alon ay maari natin itong sabayan, at hintaying kumalma. Katulad ng mga karanasan ng aktres nanatili itong matatag, lumaban at naging positibo sa buhay. Sa ngayon nga ay nakamit niya ang masaya at matiwasay na buhay kasama ang pamilya at bagong miyembro ng kanilang pamilya.

error: Content is protected !!