Connect with us

Entertainment

Dimples Romana, Ipinasilip ang Ilang Litrato ng Kaniyang Bagong Silang na Anak na si Baby Elio

Noong nakaraang mga buwan lamang ay masayang inanunsyo ng aktres na si Dimples Romana ang kaniyang pagbubuntis sa kaniyang ikatlong anak. Sa isa namang baby shower na inihanda ng kaniyang mga kaibigan, ibinahagi niya ang napiling pangalan para sa kaniyang anak gayundin ang napakagandang kwento sa likod nito.

At noong nakaraang Hunyo 24 naman ay masayang ibinalita ng aktres ang kaniyang matagumpay at ligtas na panganganak sa kanilang bunsong anak na si Baby Elio. Napuno naman ng napakaraming pagbati ang Instagram post na ito mula sa kaniyang mga taga-suporta at malalapit na kaibigan at katrabaho sa showbiz.

Matapos ang masayang balita na ito, nagbahagi rin ang aktres ng ilan pang litrato ng pag-uwi ni Baby Elio sa kaniyang tahanan.

Isa nga sa pinakahuling Instagram post ng 37 anyos na aktres ang isang napaka-sweet na bonding moment ng kaniyang dalawang anak na lalaki. Makikita sa larawang ito na yakap-yakap ng pangalawang anak ni Dimples si Baby Elio.

Mapapansin na hindi nakasama ni Dimples ang kaniyang panganay na anak dahil kasalukuyan itong nag-aaral sa ibang bansa. Sa kabila nito, makikita pa rin ang suporta at pagmamahal ng ngayo’y “kuya” ni Baby Elio.

Bukod sa larawang ito, nagbahagi rin ng maikling video ang aktres upang ipakita ang ilang sandali bago ang kaniyang panganganak gayundin ang ilang litrato ng kanilang bagong silang na sanggol. Makikita rin sa maikling video na ito ang litrato ni Baby Elio kasama ang kaniyang kuya at tatay.

Ayon pa kay Dimples, totoong marami ang nangyari sa kanilang buhay nitong mga nakaraang araw ngunit dahil sa kaniyang panganganak, nais niyang makapag-isip nang mabuti upang lubos na mapasalamatan ang lahat ng taong tumulong, nagdasal, at umalalay sa kanilang pamilya.

Kaugnay din ng parehong post, may ilan pang karagdagang pagbati mula sa mga kaibigan at kapamilya ni Dimples. Bukod dito, napansin din ng marami ang pagiging cute ng bunsong anak ng aktres. Wala ring duda na talagang nakuha ni Baby Elio ang kaniyang dimple mula sa kaniyang mommy.

Photo credits: Dimples Romana | IG

Photo credits: Dimples Romana | IG

Photo credits: Dimples Romana | IG

Sa ngayon, patuloy pa rin ang buhos ng pagbati mula sa mga netizens para kay Dimples at sa kaniyang pamilya para sa panibagong biyaya at kasiyahan ng kanilang buong mag-anak.

error: Content is protected !!