Connect with us

Entertainment

Dimples Romana Inaming May Pagkakataon Na ‘Umiinit Ang Ulo’ Sa Kaibigang Si Angel Locsin Kapag Hindi Ito Nakikinig Sa Kanya

Published

on

Sa isang tunay na magkaibigan minsan hindi masasabing sa lahat ng pagkakataon ay magiging pareho kayo ng pananaw sa mga bagay. Minsan hindi maiiwasang may hindi kayo mapapagkasunduan at magkakaroon kayo ng hindi pagkaka-unawaan.



Pero hindi noon mangangahulugan na hindi na kayo magiging magkaibigan kung hindi ay mas papatagin pa nito ang inyong samahan.

Ganito marahil ang samahan ng magkaibigan na si Dimples Romana at Angel Locsin kaya nga ng minsan kapanayamin ang “Kadenang Ginto” actress ay masaya niyang ibinahagi ang hiwaga na kanilang pagkakaibigan,

“Very loyal kasi si Gel,(Angel) eh. Saka I guess ano rin siya, matiwala kasi siya sa tao. Alam mo yon, may mga taong gusto niya ito yung mga kaibigan, ito yung mga pinagkakatiwalaan niya, ganun siya”, pagbabahagi pa ni Dimples.

Samantala ng tanungin ang aktres kung may pangyayari na nag-away na ba silang magkaibigan at sinu sa kanilang dalawa ang unang napikon, pabirong sumagot si Dimples ng,

“Baka ako malapit nang mapikon kasi bina-bash ako niyan, eh”,

Natatawa pang ibinahagi ng 35 taong gulang na aktres na naninibago ang kaibigang si Angel sa mga kasulukuyang proyekto na kanyang ginagawa,

“Kasi siyempre, hindi siya sanay, siyempre ngayon may mga endorsement ako na nag-aarte-arte ako, ganyan, hindi siya sanay”.

At ayon pa sa “Swak Na Swak” host sa tuwing nagpopost siya ng mga commercial endorsement niya sa kanyang Instagram account ay hindi pinapalampas ni Angel na asarin at magbigay ng komento dito.

Sa kabilang banda inamin ni Dimples na may pagkakataon din na nagalit siya sa “Darna” actress dahil sa ginagawa nito sa trabaho. At ayon pa sa kanya kahit anung pigil ang gawin niya sa kaibigan na huwag ng gumawa ng stunts ay hindi ito nakikinig,

“Ako naman mainit ang ulo ko diyan pag nakikita kong nag-i-stunts, ang inito ng ulo ko. Ini-screen shots ko, sine-send ko sa kanya”,



Samantala, ayon pa sa aktres talagang nag-aalala siya sa kaibigan kaya palagi niya itong pinapaalalahanan lalo na sa stunts na ginawa niya sa katatapos pa lang nitong proyekto na “The General’s Daughter” kung saan maraming eksena na makikita itong gumagawa ng mga action stunts,

“Ay hindi. Paulit-ulit kong sini-send sa kanya yung picture. ‘Ikaw ha –Nakita ko gumagalaw yung truck, nasa ilalim ka nung truck. Naku Gel, hindi mo kailangang gawin yan, may mga stunts na puwedeng gumawa niyan”, sabi pa ni Dimples.

Sa kabilang banda ng tanungin siya kung gaano talaga sila kaclose ni Angel sinabi ni Dimples na sa mga simpleng salita lang ay alam na nila kalagayan ng bawat isa at kilalang kilala na nila ang isa’t isa. At sa tuwing may mga problema silang kinakaharap ay palaging naroon ang isa’t isa.

Samantala sinabi din ni Dimples na isa pa sa hindi nila pinagkakasunduang magkaibigan ay kapag inililibre siya nito sa tuwing lumalabas sila pero napagkasunduan din naman nila na ngayong nakakaluwag na din siya ay siya naman ang magiging taya maski pumunta pa sila sa ibang bansa.

Tunay nga na sa isang matagumpay na samahan ang susi nito ay pag-uunawaan, pagmamahalan at pagiging tapat sa isa’t isa.

error: Content is protected !!