Connect with us

Entertainment

Dimples Romana, Ibinahagi Sa Kanyang Mga Fans Ang Kanyang Bagong Bukas Na Restaurant Sa Singapore

Ang aktres na si Dimples Romana ay isang patunay nga ng matagumpay na aktres at negosyante sa industriya ng showbiz. Maliban sa isang pagiging mahusay na aktres, ay abala rin si Dimples sa iba pa niyang mga pinagkakakitaan.

CREDITS: Dimples Romana| IG

Hindi lamang nga sa Pinas nagtayo ng negosyo ang mahusay na aktres, dahil maging sa ibang bansa ay sinimulan na rin niya ang pagbubukas ng isa niyang negosyo. Kamakailan lamang nga, ay masayang ibinahagi ni Dimples ang pagbubukas ng kanyang bagong restaurant sa Singapore na tinawag na Alegria Singapura na ang hatid sa kanilang mga customer ay contemporary non-traditional Latin cuisine.

CREDITS: Dimples Romana| IG

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Dimples ang mga larawan na kuha sa kanyang bagong bukas na restaurant. Sa caption ng kanyang post, ay pinasalamatan ng aktres ang mga taong nagbahagi ng mga litrato at video nang pumunta sa resto para masubukan ang ganda ng ambience at matikman ang masarap nilang pagkain.

Photo Credits to the owner

“The past week has been a blast as our Team Alegria in Singapore has been experienced and enjoyed by locals and our fellow Filipinos—the food, the ambiance, the drinks. A BIG THANK you to everyone who keeps sending us and tagging us their photos, videos of their food and dining experience. You guys are the best.”

Ang bagong bukas na resto ni Dimples, na agad na dinagsa ng mga customer sa unang linggo ng kanilang pagbubukas ay matatagpuan sa Teck Lim Road, Singapore na handang magbigay serbisyo sa mga customers sa araw ng Martes hanggang Sabado.

Photo Credits to the owner

Kapansin-pansin naman ang ganda ng disenyo ng bagong bukas na resto ni Dimples. Makikita nga dining area ang mutal design nito kung saan masisilayan ang makulay na street life. Ito naman ay idinisenyo ng artist na Kookoo Ramos sa collaboration ng SPAZ. Sa interior design naman nito ay masisilayan naman ang isang Mexican-inspired. Kapansin-pansin naman na ang lugar ay ramdam rin ang Filipino vibe dahil sa paggamit ng rattan.

Photo Credits to the owner

Ang Mayor naman ng Alfonso, Cavite na si Randy Salamat na isa naman sa business partner ni Dimples sa kanyang restaurant sa Singapore ay nagbahagi naman sa Instagram na isa pang branch ng Alegria sa Tagaytay ang kasalukuyang ipinapatayo. At ito naman ay tinawag na Hacienda Alegria na matatagpuan katabi lamang ng Breakfast by Antonio’s.

Photo Credits to the owner

Ito naman ay gawa ng PDP Architects kung saan ang disenyo nito ay pinaghalong Latin at American style kumpara sa ibang branch. Masisilayan rin dito ang ilang wooden design para bumagay sa lokasyon nito. Sa ngayon ay wala pang eksaktong date kung kailan ito magbubukas sa publiko.

error: Content is protected !!