Connect with us

Entertainment

Dimples Romana, Ibinahagi ang Twinning OOTD Photos nila ng Kanyang Panganay na Anak na si Callie

Ang aktres at celebrity mom na si Dimples Romana ay hindi lamang nga isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz, kundi isa ring butihing ina sa kanyang mga anak. Si Dimples at ang kanyang asawang si Boyet Ahmee ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Callie at Alonzo. Ang kanilang panganay na si Callie Ahmee ay 17 taong gulang na at isa nang ganap na dalaga ngayon, habang ang bunsong si Alonzo naman ay 6 taong gulang.

Samantala, si Callie ngayon ay mag-aaral na sa kolehiyo kung saan nga ay determinadong makamit ang pangarap na maging isang pilot. At para sa kanyang minimithing pangarap ay nakasuporta ang kanyang mga magulang, lalo na nga ang celebrity mom na si Dimples. Si Callie ay kumuha ng Bachelor of Business Major in Aviation Management program sa Southern Cross University sa Australia.

Kamakailan lamang nga nang mapabalita na malapit nang lumipad patungong Australia si Callie para mag-aral sa kolehiyo at tuparin ang kanyang mga pangarap. Matagal-tagal na panahon pa ang hihintayin para muling magkita at magkasama ang mag-inang Dimples at Callie. Kaya naman, bago umalis si Callie ay tiniyak ni Dimples na magkaroon sila ng isang masayang bonding moments ng kanyang anak.

Walang pinalampas na sandali si Dimples para makasama ang kanyang anak dahil alam niyang mamimiss niya ito ng sobra. Sinulit nga ng mag-ina ang mga sandaling sila’y magkasama. At makikita nga sa social media ni Dimples, ang sunod-sunod na twinning photos nilang mag-ina. Sa nasabing larawan ay makikitang nakasuot pareho ang mag-ina ng two-piece bikini swimsuit. Base naman sa lokasyon ng post ni Dimples, ay nasa isang wellness resort sila sa Batangas, ang The Farm at San Benito, kung saan kasama ang kanyang pamilya para magbakasyon.

“Banking now on more twinning photos with my Ate callieahmee because she leaves for Australia soon.”.

Makikita naman ang masayang ngiti sa mukha ng mag-ina, patunay lamang nga na talagang nag-eenjoy sila sa kanilang bonding moments.

Matatandaan naman na noong nakaraang buwan ng Setyembre, ay minsan na ring ibinahagi ni Dimples sa kanyang Instagram account, ang twinning OOTD photos nila ni Callie. At kung pagmamasdan nga ang kanilang larawan, ay aakalain na magkapatid lamang sila. Kapansin-pansin naman talaga na mas lalong gumanda ngayon si Dimples, at ang dahilan nga nito ay ang malaking pagbawas ng kanyang timbang.

Sa nasabing larawan kung saan nakasuot sila ng makulay crochet top, ay nakapaganda at cute nilang pagmasdan. Looking young at happy si Dimples sa mga larawan habang si Callie ay litaw na litaw ang angking kagandahan.

“Love you ate callieahmee Twinning with you reminds me of my youth and how to just keep letting the sunshine in,” saad ni Dimples sa caption ng kanyang post.

error: Content is protected !!